Rachel Donaire sinagip ang nalulunod na bata
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - July 7, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ipinakita ni Rachel Marcial na hindi lamang siya isang ulirang asawa ni world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr.

Sa kabila ng kanyang pagdadalan-tao ng siyam na buwan, hindi nagdalawang-isip si Rachel na sagipin ang isang nalulunod na bata kasabay ng pagdiriwang ng United States sa 4th of July..

“Rachel Donaire was admitted in a hospital for fetal monitoring after saving a drowning child,” sabi ni Donaire sa kanyang Twitter account na may higit sa 140,000 follo­wers ngayon.

Si Rachel, nahirang na World’s Sexiest Woman ng FHM, ay may Twitter account na “Knockout Queen.”

“Wifey admitted into ER (emergency room) for fetal monitoring. She’s full term but not due for another 17 days. Praying things are okay,” dagdag pa nito.

Sina Donaire, isang four-division world champion at Rachel ay nakabase sa US at inaasahan ang pagsilang ng kanilang unang anak sa susunod na tatlong linggo.

Ipinagdiwang ni Rachel, isang dating taekwondo champion at US collegiate champion, ang kanyang ika-31 kaarawan noong Hunyo.

Bumaha ng papuri sa Twitter ang kabayanihan ni Rachel.

 

DONAIRE FILIPINO FLASH KNOCKOUT QUEEN RACHEL RACHEL DONAIRE RACHEL MARCIAL SEXIEST WOMAN SI RACHEL SINA DONAIRE UNITED STATES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with