Aguilar humarurot uli

MANILA, Philippines - Lumabas uli ang ga­ling ni Glenn Aguilar para pagharian ang 5th Kopiko Astig 3-in-One Supercross Series na ginawa sa Zamboanga del Norte Sports Complex sa Dipolog City kamakailan.

Kakaibang stunt at ma­gandang diskarte sa mapanghamong race track ang ipinamalas ni Aguilar sa karerang inorganisa ng Man and Machine at suportado ng Kopiko Astig 3-in-One Coffee.

“Panay ang ulan bago nangyari ang karera kaya’t lalong naging mapanghamon ang track,” wika ni lead organizer Jake Alcordo.

May 12-stage ang kompetisyon at ang panalo ni Aguilar ay nagpatibay sa paghahabol sa Rider of the Year.

Ito ang ikatlong panalo sa serye ni Aguilar na bukod sa titulo sa Pro Open category ay nanalo rin sa Pro Lites races.

Si Giovanni Abellar ng Team Kopiko ang nagkampeon sa novice races nang hiyain ang hamon ni Jacob Orbe ng KTM Access Plus para sa kanyang unang titulo sa torneo.

May P.5M prem­yo ang inilagay sa karera at ang mga nanalo ay nagkamit din ng 25 puntos para sa Rider of the Year award.

Ang  susunod na leg ay gagawin sa Tacloban City mula Hunyo 22 at 23.

Show comments