_ngayon
^

PSN Palaro

Brunei umatras sa AFC Challenge Cup

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagdesisyon ang Brunei na huwag ng sumali sa gaganaping AFC Challenge Cup Group E qualifiers na lalaruin sa Rizal Memorial Football Stadium.

Ang torneo ay sisimulan bukas at maiiwan na lamang ang host Pilipinas, Cambodia at Turkmenistan na maglaban-laban para sa kampeonato at puwesto sa 2014 AFC Challenge Cup sa Maldives.

“Due to unavoidable circumstances, Brunei Darussalam is unable to participate in the upcoming AFC Challenge Cup qualifiers scheduled to be held in the Philippines from March 22-26,” pahayag ng Brunei Ministry of Culture, Youth and Sports secretary Dato Paduka Hj Mohd Hamid Hj Mohd Jaafar sa panayam ng Brunei Times.

Wala pa namang nakukuhang liham ng pag-atras ang Philippine Football Fe­deration (PFF) na siyang nag-oorganisa ng kom­pe­tis­yon.

Nasa pinal na preparas­yon ang panlaban ng bansa na  Azkals at kahapon ay nagsanay sila sa University of Makati.

Bubuuin ang koponan ng mga Fil-Foreigners at local players na hanap na pangunahan ang kompetis­yon upang makatiyak na ng puwesto sa Maldives.

Ang Pilipinas ay naka­sali sa 2012 Challenge Cup sa Nepal at pumasok ang  Azkals sa semifinals.

Pero tinalo ng kopo­nan ng Turkmenistan, 2-1, at ito ang balak na ipaghiganti ng Azkals sa torneo.

Si Hans Michael Weiss ang hahawak sa ko­ponan at pinili niya sina Marwin Angeles, Misagh Bahado­ran, Dennis Caraga, Emelio Caligdong, Jeffrey Christians, Jason de Jong, Neil Ethe­ridge, Robert Gier, Christopher Greatwich, Angel Guirado, Juan Luis Guirado, Jerry Lucena, Carlos Alberto Martinez de Murga, Paul Mulders, Roland Muller, Javier Patino, Jose Elmer Porteria, Patrick Reichelt, Eduard Sacapano, Stephan Schrock, Matther Uy, James at Phil Young­husband para sa kanyang 23-man line-up.

ANG PILIPINAS ANGEL GUIRADO AZKALS BRUNEI DARUSSALAM BRUNEI MINISTRY OF CULTURE BRUNEI TIMES CARLOS ALBERTO MARTINEZ CHALLENGE CUP SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with