Lim, Jones pasok sa ITF quarterfinals

MANILA, Philippines - Dinurog ni Alberto Lim Jr. si Nguyen Dac Tien ng Vietnam, 6-1, 6-1, para  buksan sa panalo ang paghahabol para mapagharian ang Week Two ng Ajay Pathak Memorial Cup/ITF 14-Under Development Championships sa Rizal Memorial Tennis Center.

Hindi nasabayan ni Nguyen ang mataas na lebel ng paglalaro ng 13-anyos na si Lim na dino­mina ang Week I ng torneong suportado ng ITF Grand Slam Development Fund at Philippine Tennis Academy matapos hirangin bilang kampeon sa boys’ singles at doubles.

Palaban pa rin sina Arthur Craig Pantino at Jan Godfrey Seno nang kalusin sina Andrey Kaschenko ng Turkmenistan (6-0, 6-2) at Asishon Turgunov ng Uzbekistan (4-6, 6-3, 6-2) ayon sa pagkakasunod.

Nanalo naman si Me­redith Jones kay Park Mijeong ng Korea, 6-2, 7-5, upang pumasok na sa quarterfinals tulad ni Lim.

Show comments