McClinton ‘di lalahok sa Arnold Sports Festival

MANILA, Philippines - Hindi makakasali si Luz “Mom of Steel” McClinton sa gaganaping Arnold Sports Festival na hahataw ngayon sa Columbia, Ohio.

Ang pagkamatay dahil sa isang aksidente ng isang malapit na kamag-anak sa Bikol ang nagtulak kay McClinton na umatras sa paglahok dahil wala na ang kanyang pokus sa prestihiyosong torneo.

Isa si McClinton sa maaaring humakot ng medalya sa nasabing torneo matapos makasungkit ng bronze medal sa Diva Fitness sa World Bodybulding and Fitness Federation (WBFF) Southwest US Championship noong Disyembre sa Oklahoma, USA.

Nanalo rin siya sa Pro Fame Figure World Championship noong 2010 at nasa kondisyon na para sa Arnold Festival nang dumating ang di magandang pangyayari sa kanyang buhay.

Nasa 18,000 atleta ang sumasali taun-taon sa pala­rong ito na kinatatampukan ng 45 sports at 12 rito ay mga Olympic sports.

 

Show comments