Perpetual Senior Altas kampeon

MANILA, Philippines - Nakopo ng University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) Senior Altas tennis team ang championship crown sa Season 88 ng National Collegiate Athletics Association (NCAA) matapos igupo ang 4-peat Colegio De San Juan De Letran (CSJL) Knights sa winner-take-all match  kahapon sa Rizal Memorial Tennis Court sa Vito Cruz, Manila. Nanalo si Kim Saraza ng Altas sa unang single match (7-5, 6-1) at nakipagtambal kay Russell Arcilla para taulunin ang  tandem nina Adjuthur Moralde at Bryan Sarenas (6-4, 5-7, 6-4) sa doubles at hubaran ng korona ang Muralla based netters. Si Saraza na nahirang na Season 88th MVP.

 

Show comments