Caloy bagong coach ng Erase Xfoliant

MANILA, Philippines - Si Caloy Garcia, kasalukuyang assistant coach sa Rain or Shine team sa PBA, ang nahirang na bagong head coach ng Erase Xfoliant team sa D League.

Binigyan ng appointment ni team owner Louie Gamboa si Garcia matapos ng magsabi si coach Aric del Rosario na magpo-focus na muna siya sa training ng Perpetual Help College sa NCAA.

Natutuwa si Caloy Garcia sa bagong hamon na duma­ting sa kanyang career.

“Masaya ko sa tiwala  na ibinigay sa akin ni Boss Louie.Kahit na dalawang laro na lang ang natitira para sa Erase, I hope I can lead this team to a decent finish in this league. Nag-practice na ako kahapon, at okay naman ang adjustment ng mga players,” sabi ni Garcia.

Show comments