Resma papalo sa quarters

MANILA, Philippines - Lumapit pa si Roxanne Resma sa posibleng titulo sa girls 16-under sa 24th Andrada Cup nang kalusin si Monica Therese Cruz kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.

Ipinakita ni Resma kung bakit siya ang top seed sa nasabing dibisyon nang kunin ang 6-4, 6-0, panalo kay Cruz para makaabot sa quarterfinals.

Hanap ni Resma ang ikalawang sunod na titulo matapos dominahin ang PSC-Philta Championships noong nakaraang linggo.

Samantala, nanguna naman ang top seed na si Die­go Dayrit sa mga umabante sa 10-unisex nang kalusin si Rafael Tomblinm, 6-0, 5-0 (ret).

Sunod niyang haharapin si seventh seed Miguel Luis Vicencio na binokya si Joyce Bautista, 6-0, 6-0.

Ang iba pang nagsipanalo sa dibisyon ay sina no. 2 seed Jan Harold Trillanes laban kay Angelica Alcala, 6-0, 6-0 at third rank Alexandra Eala laban kay Prince Nadera, 6-2, 6-0.

 

Show comments