World Cable Wakeboard championships hungary, Netherlands nanalasa agad

MANILA, Philippines - Dinomina ni Hegedus Akos ng Hungary ang labanan sa boys’ division, habang nanguna naman si Sanne Meijer ng Netherlands sa girls’ class sa World Cable Wakeboard Championships 2012 kahapon sa Deca Clark Wakeboard Park sa Angeles City, Pampanga.

Nagtumpok si Akos ng 64.67 points sa Run1 para talunin si Great Britain bet Harry Eames na may 57.67 points kasunod ang kanyang kababayang si Ryan Peacock na may 55.00 points.

Sumegunda ang 15-an­yos na si Akos kay Eames sa semis ngunit nakabawi sa dulo ng kompetisyon.

Kumolekta naman si Meijer ng 74.33 points sa Run1 para tumapos na may 90 points kasunod sina Vanessa Weinhauer ng Germany (66 points) at Lottie Harbottle ng Great Britain (60.33 points) sa event na suportado ng Rixen Cableways, IWWF Wakeboard 2020 Vision, Smart, Gatorade, Deca Homes, Stoked Inc, RipCurl, Monster Energy Drink, Devant LED TV, Ba­cardi, Department of Tourism Region 3, Aktion Parks, Plus Event Marketing at inorganis ang Eventking Corp. katuwang ang WWAP.

Tampok din ang mga labanan sa men’s at women’s competitions sa Open, veterans at masters categories bukod pa sa highlytechnical Wake Skate discipline.

 

Show comments