It’s Showtime tumaas ang rating

MANILA, Philippines - Tuluy ang pagpapasikat ng pamilyang Pinoy sa mas pinatinding Bida Kapamilya Round 2 na magsisimula na para sa bagong season ng It’s Showtime sa Lunes (Nov. 5).

Sa mas exciting na Round 2, pati celebrities ay magkakasukatan ng tunay na galing bilang mentors na gagabay at magsasanay sa lahat ng pamilyang magpapakitang gilas sa buong season hanggang sila’y makaabot sa grand finals.

Ngayong linggo ay araw-araw na ipapakilala ang mga mentor na isa-isang magsa-sample sa harap ng madlang people.

Isa lamang ang Bida Kapamilya Round 2 sa mga bagong sorpresa at pakulo sa bagong season ng It’s Showtime, na ngayon numero uno na sa noontime slot sa buong bansa ayon sa pinakahuling datos mula sa Kantar Media.

Ang bagong season ng noontime show ang handog ng unkabogable barkada para sa pagdiriwang ng ikatlong anibersaryo nito na nagtapos noong Sabado kung saan nag-triple tie sa talent showdown ng hosts ang magkaparehang sina Anne Curtis at Karylle, Jugs Jugueta at Teddy Corpuz, at Billy Crawford at Vhong Na­varro na pawang nakakuha ng perfect 10 sa lahat ng mga hurado.

Show comments