Pagdami ng Chinese nararapat imbestigahan

Mga manhid lang ang hindi nakahahalata sa pagdami ng mga estudyanteng Chinese sa bansa. Bakit kasi pinayagan­ ng mga opisyal ni President Bongbong Marcos Jr. ang napakaraming estudyanteng Instik sa Cagayan? Mahigit 1,000 Intsik ang naka-enroll ngayon sa Cagayan. At nalaman ko, bumibili sila ng diploma sa malaking halaga.

Kung magpapatuloy ang pagdami ng mga estudyanteng Chinese, baka dumating ang araw na nasakop na nila tayo at naangkin na ang ating teritoryo. Kung tutuusin, marami sa mga Pinoy ang gustong mag-aral pero mas inuna pa ng mga paaralan ang mga Intsik. Mas inuna pang bigyan ng kaluwagan ang mga Chinese na makapag-aral sa bansa, dahil magagaling umanong magturo ang mga Pinoy pag­dating sa English.

Kaya napapanahon na ipatigil muna ang pag-aaral ng mga Chinese habang hindi pa malinaw ang isyu sa West Philippine Sea. Sa ngayon, abot langit ang suporta ng mga Pinoy kay BBM sa isyu ng WPS. Maging ang ibang bansa ay nagbigay na ng suporta at nagpapartisipa ang mga ito sa Baliktan exercise sa kabila nang pagtutol ng China.

Dapat magsagawa na ng pag-iimbestiga ang mga mambabatas sa pagdami ng mga Chinese. Imbestigahan din ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) dahil sa libu-libong empleyadong Chinese nito ni-recruit. Sangkot ang POGOs sa human trafficking, krimen at kung anu-anong scam. Maraming karumal-dumal na krimen ang nagaganap sa bansa dahil sa mga POGOs. Walisin sa bansa ang mga Chinese nationals.

Show comments