^

PSN Opinyon

Lugi ang gobyerno, kawawa ang Pilipino sa NGCP

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Naghahanap pa ng magandang rason si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung papaano bawiin ang prangkisang ipinagkaloob ng gobyerno sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ayon kay PBBM, baka raw kasi domoble ang kalbaryo ng mga mamamayan sa nakakabuwisit at madalas na brownout sa mga probinsiya.

Pakiwari niya, walang mga eksperto’t dalubhasa na puwedeng pumalit sa NGCP sa ngayon. Kinakailangan daw kasing maghanap muna ng kapalit.

Ang ibig sabihin, tiis-tiis muna habang binabalahura ng NGCP ang mga pobreng mamamayan natin sa mga pro­binsiya sa madalas na brownout.

Unfiltered, hindi ako sang-ayon.

May magagawa ang ating gobyerno. Gumawa ng hakbang o ‘yung tinatawag na approach avoidance bago pa lumala at mauwi sa krisis.

Kailangan ni PBBM ng think tank group sa senaryong contingency plan. Maglagay ng timeline o sapat na pana­hon o transition period hanggang maibalik ang prangkisa sa state-run corporation National Transmission Corporation o TransCo.

Pag-aralan ang TransCo kung papaano makaiwas sa anumang antala na mangyari sa operasyon kapag naibalik na ang prangkisa.

Ang pangunahing layunin ng gobyerno, bawiin na ang prangkisa sa NGCP at ang TransCo ay overseer pansamantala.

Siguro naman, habang ang TransCo ay andiyan, makakahanap na ang gobyerno ng karapat-dapat at dalubhasa na papalit sa walang katorya-toryang serbisyo ng NGCP.

Sinuman o anumang kumpanya ang papalit sa NGCP, ang dapat gawin ng ating pamahalaan ay maglagay na ng cap o limit sa kita o dibidendo na kanilang kukunin.

Maglaan ng patas na porsyento sa kapakanan ng taumbayan. ‘Yung tamang porsyentong ilalaan sa re-investment para mapabuti at maisaayos ang kuryente partikular sa mga probinsiya.

Hindi kapareho ng ginagawa ng NGCP. Mantakin n’yo, 90-95% na kita ng kumpanya napupunta sa kanila bilang dibidendo.

Ginagatasan lang ng NGCP ang Pilipinas at ang mga pobreng mamamayan kaya nabababoy ang serbisyo. Madalas na brownout sa mga probinsya.

Kwentas klaras, dapat makita ng taumbayan kung ilang porsyento ang ilalaan para sa reinvestment at redevelopment.

Kung maaari nga dapat 40% ng kabuuang kita ang ilaan para sa upgrade ng technology at ng mga imprastruktra na magdudulot ng magandang kalidad ng distribusyon ng kuryente sa mga probinsya.

Ang problema, karamihan sa mga nakaupo sa NGCP mga Tsino. Tsk… tsk!

Hangga’t nandyan ang NGCP, lugi ang gobyerno. Talo si Juan at Juana Dela Cruz. Kawawang Pilipinas!

vuukle comment

NGCP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with