^

PSN Opinyon

Tong collector ng PNP officials at anak nito, dinukot sa QC!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

DAHIL sa P1 milyon na dahilan, dinukot ng armadong kalalakihan si alyas Jun Cruz at anak na lalaki sa Quezon City ng nakaraang Huwebes. Hanggang kahapon, hindi pa lumulutang si Jun Cruz at anak kaya nababahala ang asawa ng una at nag-report na ito sa Quezon City Police District (QCPD) at sa National Bureau of Investigation (NBI).

Si Jun Cruz mga kosa ay tong kolektor na ginagamit ng mga opisyales ng PNP para dumampot sa mga sugal lupa. Get’s n’yo mga kosa? Para hindi siya masunog, si Jun Cruz ay ginamit lang na alyas dahil ang tunay niyang pangalan ay Domingo Mendaro Sr., samantalang ang anak ay si Domingo Mendaro III. Kung sinu-sinong police offi­cials na ang pinagsilbihan ni Jun Cruz subalit hindi ko na sila babanggitin dahil wala naman silang kinalaman sa pagkawala nito at anak. Eh di wow! Hehehe!

Dapat kumilos si NCRPO chief Maj. Gen. Jonnel “Esto” Estomo para magkaroon ng linaw ang kaso ni Jun Cruz. Dipugaaaaa!

Sabi ng asawa ni Jun Cruz na si Hazel, umalis ng kanilang bahay ang dalawa bandang alas dos ng hapon para kunin ang P1 milyon na ipinadaan ng isang alyas Paskie na taga-CIDG sa kanya. Ang pitsa mga kosa ay “grease money “ sana ng isang alyas Manny na gustong magbukas ng pasugal sa Quezon City. Si Manny ang nasa likod na paihi sa Navotas, ani Hazel.

Kaya lang, hindi natuloy ang transaksiyon o pagpasok­ ni Manny sa larong lotteng kaya natengga ang pitsa. Siyempre, hiniling ni Manny na ibalik ang kanyang P1 mil­yon kaya lumabas sina Jun Cruz at anak para kunin ito kay Paskie na huling tumawag sa kanya. Sa pag-alis niya bumalik si Jun Cruz sa bahay bandang 5:30 p.m. at umalis uli pagkatapos ng 30 minuto dahil tumawag na muli si Paskie na ok na ang pitsa sa Camp Crame.

Matapos ang 24 oras na hindi nagpahiwatig si Jun Cruz at anak, nabahala na si Hazel. Tsk tsk tsk! Mukhang magagaya ang kaso ni Jun Cruz sa 34 missing sabungeros ah. Dipugaaaaa!

Tinawagan ni Hazel ang tatlong celfone ni Jun Cruz at anak subalit puro patay na ang mga ito. Sa kanyang pag-imbestiga, nakita ang Fortuner na kotse nila sa parking lot ng Ilocano Empaynada sa West Ave., na hindi naka-lock. Makikita sa CCTV ng barangay ang pag-park ng sasakyan subalit hindi maaninag ang dumukot sa kanila dahil sa sobrang layo. Subalit may mga testigo roon na nagsasabing ang kotse ay pinaligiran ng mga armadong kalalakihan sabay sapilitang kinuha sina Jun Cruz at anak. Eh di wow!

Mukhang walang takot ang mga kalalakihan na ito sa liderato ni PNP chief Gen. Junaz Azurin. Abangan!

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with