^

PSN Opinyon

EDITORYAL-Isaayos muna ang sistema ng retirement

Pilipino Star Ngayon

Inaprubahan na ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na nagbababa sa retirement age ng mga nagtatra­baho sa pamahalaan. Mula sa dating 60-anyos, ga­gawin itong 56-anyos. Nakasaad sa House Bill No. 206 na ang mga manggagawa sa gobyerno at kuwa­lipikadong miyembro ng GSIS na may edad 56 at nakapagsilbi ng 15 taon ay makakatanggap ng bene­pisyo.

Mabilis na naaprubahan ang panukalang batas at isa lamang ang kumontra sa 268 na mambabatas. Isa ang nag-abstain. Ang pagbaba ng retirement age ng mga nagtatrabaho sa gobyerno ay naging parehas na rin sa mga sundalo at pulis na ang mandatory retirement age ay 56. Nagpahiwatig naman ang GSIS na nahaharap sila sa malaking problema sa pagpapababa ng retirement age. Hindi naman ito gaanong niliwanag ng GSIS.

Nasisiyahan namang sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na sa pagpapababa ng retirement age, maari nang mag-enjoy ang government workers habang kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan. Mae-enjoy na umano ng retirado ang benepisyo bago pa sila sumapit sa senior years.

Marami naman ang nagsabi na hindi maganda ang pagpapababa ng retirement age sapagkat masyadong bata pa para magretiro ang 56-anyos. Marami rin sa mga may edad na ganito ang may sinusuportahan pang kaanak. Mayroon pang pinag-aaral. Kara­mihan ay mga apo ang pinakakain. Karamihan ay walang ipon dahil sapat lang sa pangangailangan ang suweldo. Kung makukuha na ang benepisyo sa edad 56, madali lang itong mauubos dahil wala nang ibang pagkakakitaan. Baka maging pasanin pa ang mga ito sa dakong huli.

Mas maganda sanang ginawa ay isaayos ang retirement system. Bago ginawa ang pagpapababa sa retirement age, tinaasan sana ang benepisyo. Saan hahantong ang kapiranggot na pension mula sa GSIS at maski sa SSS.

Hindi sana minadali ang HB 206 at dumaan muna sa mga konsultasyon kasama ang mga magreretiro.

vuukle comment

RETIREMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with