^

PSN Opinyon

Siyasat sa illegal sugar import, ituloy

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAGBITIW na sa puwesto ang dalawang mataas na opisyal sa Sugar Regulatory Administration (SRA) na lumagda umano sa  natuklasang ilegal na importation ng 300,000 metrika tonelada ng asukal.

Sa kabila nito, dapat ipagpatuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang iregularidad at kahit nagbitiw na ang isang opisyal na dawit sa kaso ay dapat panagutin kung mapapatunayang nagkasala. Hindi dapat gawing dahilan ang pagbibitiw para maabsuwelto ang sino man.

Naunang nag-resign si Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian na main man sa mga lumagda sa importasyon na sinundan ni SRA board representative Roland Beltran. Sa kanyang letter of resignation kay Executive Secretary Vic Rodriguez, sinabi ni Beltran na ang dahilan ng kanyang pagbibitiw ay hindi ang issue ng katiwalian kundi may kinalaman sa kanyang kalusugan.

Tulad nang nasabi ko sa unang kolum, ito ay isang test case sa pamunuan ni Presidente Bongbong Marcos para patunayan ang matibay na determinasyong puksain ang mga katiwalian sa pamahalaan. Naaalala ko pa na noong dekada 70 sa kasagsagan ng martial law ni Presidente Marcos, Sr. nagsagawa siya ng top to bottom revamp ng pamahalaan.

Walang sinino, walang sinanto sa balasahang ito at talagang tinanggal sa puwesto hindi lamang ‘yung mga tiwali kundi pati yung mga naluklok lang sa puwesto dahil sa impluwensya pero wala naman talagang nalalaman.

Harinawang magpakita si Marcos, Jr. ng katulad na political will upang maibigay sa sambayanan ang isang mapagkakatiwalaan pamahalaan na hindi pinamumugaran ng mga magnanakaw at mapagsamantala.

vuukle comment

SUGAR REGULATORY ADMINISTRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with