^

PSN Opinyon

Loan program sa studes isinusulong

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Maganda ang bill na isinusulong ni Sen. Lito Lapid. Kahit madalas siyang tampulan ng tukso ng mga nanlalait sa kan­yang kakayahan bilang senador, dapat ding purihin ang anumang ideya na makatutulong lalo na sa mga kaba­taang kailangan ng de-kalidad na edukasyon.

Ito ay ang panukalang batas na magbibigay ng long-term loan sa mga deserving na estudyante para sa kani­lang mga pangangailangan gaya ng board and lodging, Internet, transportasyon at iba pang requirements sa kani­lang pag-aaral.

Malubha ang epekto ng pandemya sa kabuhayan ng bawat Pilipino. Ang mga magulang na may pinapag-aaral ay hirap na itaguyod ang edukasyon ng kanilang mga anak. Kaya napapanahon ang bill na ito ni Lapid. Unang-una, mahalaga ang edukasyon hindi lamang sa mga indibiduwal kundi para sa buong bansa.

Ang isang bansang binubuo ng mga taong mangmang ay walang kahihinatnang kaunlaran. Sa Senate Bill 274, nilalayon ang pagtatatag ng College Living Expenses Financing (CLEF) program. Ito ay upang suportahan ang undergraduate studies ng mga mag-aaral na may magan­dang academic standing.

Ang pagbabayad sa inutang ay magsisimula isang taon matapos ang graduation ng estudyante. Totoo naman­ na kahit para sa mga iskolar ng bayan, may mga kabataan ng hirap pa ring magpatuloy sa pag-aaral dahil walang itustos sa kanilang living expenses.

Kapag nalagdaan ang batas, magtatatag ng loan gua­rantee fund para sa mga estudyante na popondohan ng Development Bank of the Philippines at Land Bank of the Philippines.

LITO LAPID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with