^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hindi masolusyunan ang problemang baha

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hindi masolusyunan ang problemang baha

Dekada ’70 pa ang perwisyong baha sa Metro Manila at hanggang ngayon, problema pa rin ito at tila wala nang magawang solusyon ang pama­halaan ukol dito. Kapag umulan, marami na ang kinakabahan, lalo ang taga-Maynila sapagkat papasok na naman sa kanilang mga bahay ang baha. Sa Sampaloc, Maynila, karaniwan na ang baha sa ganitong buwan. Walang natandaan na hindi bumaha sa Sampaloc. Kapag umapaw ang España Blvd. tiyak nang magiging lawa ang mga kalsada sa Sampaloc. Marami na naman ang maglilimas ng tubig-baha na pumasok sa kani-kanilang mga bahay. Ang nakadidiri, hindi lamang tubig ang pumasok sa bahay kundi pati na rin ang mga basura.

Noong nakaraang Agosto 5, nagmistulang mala­­king parking area ang Taft Avenue at Kalaw St. Ang dahilan: hindi makalampas sa hanggang hita na baha ang mga maliliit na sasakyan. Napilitang mag­lakad sa baha ang mga pasahero sapagkat wala nang pumapasadang dyipni at maski mga taksi.

Itinuturong dahilan nang pagbaha sa mga kal­sada sa Maynila ay ang dolomite beach na proyekto ng nakaraang administrasyon. Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), nagsaayos at naglinis na sila ng mga drainages at iba pang dalu­yan ng tubig baha kaya nakapagtataka kung bakit mabagal ang pagbaba ng tubig.

Itinanggi naman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ang dolomite beach ang dahilan nang pagbaha sa Maynila at iba pang lungsod.

Mahusay magturuan at magsisihan ang mga opis­yal ng pamahalaan kapag nangyari na ang problema. Para mailigtas ang sarili ay gagawa ng kung anu-anong dahilan at maninisi.

Kung nagawa na ng DPWH at MMDA ang kani­lang tungkulin, bakit patuloy ang pagbaha sa Metro Manila. Bakit walang pagbabago? Bakit patuloy ang problema.

Hindi kaya basurang plastic ang dahilan kaya ayaw bumaba ang tubig-baha? Nararapat alamin ang dahilan ng problema at lapatan ng solusyon. Maawa sa mga taga-Metro Manila na madalas sinasalanta ng baha.

BAHA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with