^

PSN Opinyon

Parusang kamatayan sa drug traffickers  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MALAKING hamon kay President Ferdinand Marcos Jr. ang pagkakahuli sa isang Intsik sa Quezon City na nakuhaan ng 40 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P272 milyon matapos ang buy-bust operation. Matagal nang minamanmanan ng mga operatiba mula sa PDEA Intelligence Service, PDEA Intelligence PDEARO ng National Capital Region, Task Force MOA ng AOC at PDEA members Quezon City Police District ang suspect na si Macansia Tson.

Samantala sa Dasmariñas, Cavite, nakakumpiska ang PDEA nang mas malaking bulto ng shabu na nagkakahalaga ng P1.5 bilyon. Kaya nakasalalay sa kamay ni President Marcos ang sinimulan ni dating President Duterte na kampanya sa illegal na droga. Wala kasing pangil ang kampanya ng PDEA, PNP at NBI sa mga responsable sa pagkalat ng droga. Lumalabas na ningas kogon ang programa kontra droga.

Sa panahon ngayon na nagugutom ang sambayanan sa walang tigil na pagtaas ng mga bilihin, hindi malayong kumapit sa patalim ang mga kumakalam ang sikmura para kumita sa illegal na paraan. Baka lalong lumaganap ang krimen sa bansa dahil sa pagkalulong sa droga.

Panahon na para kumilos si Marcos para maipasa ang parusang kamatayan laban sa drug traffickers. Hindi naman maisasakatuparan ang death penalty kung walang basbas ng Kongreso. Ngayon na ang panahon na pag-isipan ng mga mambabatas ang death penalty. Ubos na ang kaban ng bayan­ sa pagbili ng bakuna at pagbibigay ng ayuda sa mga na­apektuhan ng pandemya, pagkatapos ay sa drug lords ma­pupunta ang barya na naiipon ng mga naghihikahos.

Panahon na para kalusin sa lipunan ang mga salot na drug traffickers. Panawagan sa Kongreso, pakawalan na ninyo si Kamatayan upang mapuksa ang mga salot sa lipunan. Paalala lamang, huwag naman mga buraot ang kayang tagpasin. Idaan sa masusing imbestigasyon at patas na batas ang inyong ipaiiral upang walang maipintas ang human rights advocates.

DRUG TRAFFICKING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with