^

PSN Opinyon

Hindi sasantuhin  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NATULDUKAN ng Police Regional Office-1 (PRO1) sa ilalim ng pamumuno ni BGen. Westrimundo D. Obinque ang pamamayagpag ng dalawang kilabot na top drug personalities ng Appari, Cagayan at Ilocos Norte connection sa isinagawang buy-bust operation. Tinatayang P3 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang suspek na nakilalang sina John Mark Dinong y Dipig, 33, residente ng Bgy. Balioeg, Banna, Ilocos Norte at Clifford Malana y Furuganan, 45, may asawa, taga-Appari, Cagayan at na­ngu­­ngupahan sa Bgy. 16, San Nicolas, Ilocos Norte.

Ayon kay Obinque, hindi madali ang kanilang paghuli sa mga suspect dahil palipat-lipat ng lugar ang pakikipag­transakyon nito sa mga kapulisan na nagpanggap na buyer. Ayon kay Obinque, swak na sila sa rehas na bakal. Kasi nga mahusay ang mga tauhan ni Obinque at hindi basta-bastang matatawaran pagdating sa paghahabol ng mga kilabot na drug personalities.

Nahuli ang mga suspect makaraang magsagawa ng buy-bust operation sa Sitio 1, Barangay Marcos, San Nicolas, Ilocos Norte noong Hunyo 20.  Walang kamalay-malay ang mga suspek na naka posisyon na ang mga tauhan ni Obinque na kinabibilangan ng mga operatiba­ mula sa PPDEU and PIU-INPPO (Lead Unit), San Nicolas­ MPS, INPPO, RPDEU1, PIT RIU1, RID sa pakiipag-ugna­yan sa PDEA-INPO. Kaya nang magkaabutan na nang droga mula sa dalawang suspek saka kumilos ang mga pulis at swak sila sa bitag, Suwerte at hindi na nanlaban, dahil­ kung nagkataon tiyak na burado na sila sa kanilang kina­gagalawan.

Nakuha sa mga suspek ang  mga heat-sealed transpa­rent plastic sachet containing white crystalline substance of different sizes, one black chest bag, four aluminum foil strips, one glass tooter, one scissor, three cigarette lighters­, one red improvised shovel, one unit Oppo Cellphone, at 1 Taurus PT 1911 caliber 45 na may serial number NDP 05094.

Siguradong mabubulok na sila sa kulungan matapos na sampahan sila ng Violation of Republic act 9165 or The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Sabi ni Obinque mag-isip-isip na ang drug pushers dahil hindi sila sasantuhin. Congratulations General Obinque at sa mga tauhan mo.

ILLEGAL DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with