^

PSN Opinyon

Maraming makaka-miss kay Sen. Tito Sotto  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAGSIMULA bilang komedyante sa pelikula at TV si Tito Sotto kasama si Vic at Joey. Marami silang ginawang pelikula noong dekada 80. Sila rin ang nasa likod ng noon time show Eat Bulaga na hanggang ngayon ay nagbibigay ng kasiyahan sa madla.

Dahil sa kasikatan at pagiging matulungin sa kapwa, sinubok ni Tito na pumasok sa pulitika. Na-elect siyang vice mayor ng Quezon City noong 1988-1992. Dahil sa husay at sipag sa paglilingkod sa Quezon City lalong pumailanglang ang kanyang political carier kung saan, naging senador siya ng apat na termino.

Marami siyang naipasang batas bilang senador. Kabi­lang sa mga batas na kanyang ipinasa ang Dangerous Drugs Act of 2002; Doktor para sa Bayan Act; Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 1012 (RA 10856); Kasambahay Law (RA 10361) at Anti-Hazing Law.

Noong 2018, naluklok siyang Senate President. Naging masalimuot ang naging takbo ng bansa matapos dumapo ang nakahahawang COVID-19, subalit hindi ito naging had­lang upang maipagpatuloy ang pagtalakay ng mga isyu na dapat talakayin sa senado.

Matapos ang 24 taon, magiging citizen Tito na siya. Tiyak na marami ang nakaka-miss sa kanya bilang Senate­ President. Marami nga ang nagsasabi na mahirap magpa­alam sa “master of rules”. Mahirap sundan ang kanyang yapak.

Isa siya sa mga artista na binigyan ng pagkakataon na sumubok sa larangan ng pulitika, hindi lang basta pulitiko, isang senador na binoto ng mga Pilipino, Kahit gaano siya ka-popular, hindi siya nasangkot sa anumang kontrobersiya at kalokohan sa Senado.

Hindi siya insecure kahit karamihan sa kanyang mga kasama noon sa Senado ay mga bigating abogado at mga miyembro ng mga kilalang pamilya sa pulitika. Hindi siya natitinag sa floor kapag may debate, bagkus sinikap niya na maging mahusay sa rules ng Senado kaya nirerespeto siya ng kanyang mga kasamahan, abogado man o hindi.

Napakahirap abutin ang respeto at tiwala ng mga Senador kaya hindi magiging madali sa mga bagitong artista na pinalad na maging senador na balang araw ay maging Senate President.

* * *

Congratulations kina Ms. Jen, Mike at sa buong Sotto media group. Hindi iboboto si Tito Sotto ng mga tao kung hindi n’yo ginawa ang inyong trabaho. Idol kayo sa pakikisama at pagpapahalaga sa mga mamamahayag. Saludo ako sa inyo!

TITO SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with