^

PSN Opinyon

Kumilos sana ang Comelec

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Nararapat nang umaksiyon ang Commission on Election (Comelec) sa labanan ng dalawang kandidato sa pagka-mayor sa Malabang, Lanao del Sur. Nagsumite na umano ng motion to suspend proclamation sa Comelec ang kampo ng natalong mayor ng Malabang, Lanao del Sur na si Al-Rashid Macapodi.

Sa petisyon ni Macapodi, malinaw umanong nagkaroon ng failure of election sa ilang presinto sa Malabang dahil sa mga kaguluhan noong araw ng eleksyon na nag­resulta sa pagkamatay at pagkasugat ng ilang katao. Bi­nanggit pa sa petisyon na ang mga karahasang naganap noong eleksyon sa naturang bayan ay nasaksihan mismo nina Aminoden Macapodi at Aliya M. Tangcolo na kabilang sa mga tumatayong petitioner.

Pinasok umano ng mga supporters ng kalabang ma­yoralty candidate na si Dagar Balindong ang ilang voting precincts at kinumpiska ang ilang mga balota. Dahil dito, natigil ang botohan. Marami umanong botante ang nagdesisyong umuwi at huwag nang bumoto dahil sa takot na madamay sa kaguluhan. Ang naturang mga kaguluhan ay pinatunayan pa umano ng mga videos na nag-viral pa sa social media.

Hindi umano maaaring maliit ang kaseryosohan ng ale­gasyon kaya kailangang agad suspendihin ang proklamasyon ng respondent na si Balindong. Sakali mang na­iproklama na si Balindong bago ilabas ang desisyon, dapat umanong kan­selahin ang proklamasyon.

Ayon pa sa petisyon ni Macapodi, ang paglalagay­ sa Malaban sa ilalim ng Comelec control ay hindi naka­sapat para pigilan si Balindong at mga supporters nito sa pag­hahasik ng karahasan na naging dahilan para hindi makaboto­ ang mga tao. Iba umano ang magiging resulta ng elek­syon kung nakaboto nang malaya ang taumbayan.

“Considering the seriousness of the allegation, there is a need to immediately suspend the proclamation of the respondent Balindong. And in the event that the respondent was already proclaimed, then to immediately annul the proclamation,” ayon pa sa mosyong inihain ni Macapodi. “The petitioner is willing to put up a bond to answer for the damages that may be caused by this petition in the amount that may be determined by this Honorable Commission.”

Hihntayin ko ang kasagutan ng Comelec at maging sa magkatunggaling partido upang magkaroon ng kalinawan ng magkaroon nan g kapayapaan ang naturang lugar. Umaasa ako na matutuunan ng pansin at attention itong kaso sa lalong madaling panahon upang hindi na matularan ang mga ganitong violent situations tuwing eleksiyon.

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with