^

PSN Opinyon

Huwag alisin ang face mask  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

IPINAG-UTOS ni Cebu Governor Gwen Garcia na puwede nang huwag mag-face mask sa labas o sa matataong lugar sa kanyang nasasakupan. Ang kautusan ay nagdulot ng kalituhan sa kapulisan. Tinutulan naman ni DILG secretary Eduardo Año ang kautusan at iniutos sa mga pulis na hulihin ang walang face mask bilang paglabag sa kautusan ng Inter-Agency Task Force.

Saan hahantong ang mga pulis na tumatalima lamang sa direktiba ng nakatataas sa kanila? Ang alam ko nasa superbisyon din ng mga local official ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP). Hindi maganda na ang mga taga-Cebu lamang ang hindi magsusuot ng face mask.

Sa Metro Manila, marami na rin ang hindi sumusunod sa IATF sa pagsusuot ng face mask lalo na ang mga vendor. Malaking pahirap daw kasi sa kanila ang pagsusuot ng face mask. Kaya lang paano kung tamaan sila ng COVID? Tiyak pagnahawa sila ipapasa nila sa mga customer ang virus.

Ayon kay Department of Health (DOH) spokesperson Maria Rosario Vergeire, may ilang bansa ngayon ang tumataas ang kaso ng COVID dahil nagluwag sila sa pagsusuot ng face mask. Sa kasalukuyan, may ilang lugar sa Metro Manila na tumataas ang kaso ng COVID. At nakababahala rin ang banta ng monkeypox na may mga biktima na sa Europe at America.

Palagay ko dapat na hintayin muna na lubusang makontrol ang COVID bago alisin ang pagsusuot ng face mask. Delikado pa ang sitwasyon kaya dapat panatilihin ang face mask. Kung magkakaroon muli ng COVID surge lalong malulubog sa utang ang Pilipinas. Trilyones na ang utang! Isa pang problema, kulang na ang health workers lalo na ang nurses. Nagsipag-abroad na sila dahil maliit ang kanilang suweldo rito at walang benefits.

Kaya hindi pa dapat alisin ang face mask. Huwag magmadali ang mga local officials. Hindi pa ito nararapat sa ngayon sapagkat nasa paligid pa ang virus at nag-aabang nang madadapuan.

FACE MASK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with