^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nakaamba na ang tigil pasada

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Nakaamba na ang tigil pasada

Tambak ang mga pasahero kahapon sa mga bus terminal. Mahaba ang pila na tinalo pa ang pila ng mga tao sa MRT stations. Ang pagdami ng mga pasahero ay dahil maraming jeepney ang hindi pumasada dahil wala na raw silang kinikita dahil sa pagtaas ng presyo ng diesel at gasolina. Noong Martes, nagtaas ng P6.50 ang diesel at P2.70 sa gasolina. Nasa mahigit P80 na ang bawat litro ng diesel at mahigit P70 naman ang gasolina. May mga susunod pa umanong oil price hike. Posible raw na umabot sa P100 bawat litro ng diesel at gasolina kung patuloy ang pagtaas ng krudo sa pandaigdigang pamilihan­. Tinuturong dahilan ng pagtaas ng langis ay ang giyera­ ng Russia at Ukraine.

Malaking problema kung titigil sa pamamasada ang mga jeepney driver. Kahit na may libreng sakay ngayon sa bus ang pamahalaan, hindi pa rin sasapat­ sa rami ng mga pasahero. Sabi ng mga driver ng jeep­ney, wala silang ibang magagawa kundi tumigil sa pamamasada dahil sa sobrang mahal ng diesel. Ang kanilang kita ay para lamang sa gas at sa boundary. Hindi raw sila masisisi kung igarahe muna ang mga jeepney.

Sabi naman ng ilang lider ng transport groups sa kanilang kasamahan, hindi ang tigil pasada ang so­lus­yon sa problema. Lalo lamang silang magugutom at ganundin ang pamilya. Mas mabuti raw kung tuluy-tuloy ang pasada.

Umapela naman ang Malacañang sa mga jeepney drivers na huwag tumigil sa pamamasada sapagkat gumagawa naman ng paraan ang pamahalaan para sila matulungan. Ayon sa Malacañang, mamamayan ang mahihirapan sa gagawing tigil pasada.

Hiling din naman ng jeepney drivers na itaas na ang pasahe at gawin nang P10. Marami ring nagpanukala na suspendihin ang excise tax sa petrolyo. Pero sabi naman ng Department of Finance hindi ang pag-suspend sa excise tax ang solusyon. Pinakamababa na raw sa Asia ang tax na pinapataw ng Pili­pinas sa mga kompanya ng langis. Hindi raw nararapat ihinto ang pagkolekta ng excise tax.

Kung ayaw itaas ang pasahe at ayaw ding itigil ang buwis sa petroleum products, ayudahan ng pera ang mga jeepney, bus, at traysikel drivers. Ito na lamang ang tanging paraan para hindi tumigil sa pamamasada ang mga drayber ng PUVs. Dagdagan naman ang ayudang cash para mayroong mabili ang mga kawawang drayber. Hindi sapat ang P6,500 na ipinagkaloob ng LTFRB ilang buwan na ang nakara­raan. Sikaping mabigyan lahat ng ayuda ang drivers.

vuukle comment

GAS

TIGIL PASADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with