^

PSN Opinyon

BBM ‘sinapian’ ba ng kaluluwa ni Marcos Sr.?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Hindi ako naniniwala sa sinasapian ng espiritu ng iba. Pero kapag nakikita kong nagsasalita sa publiko si presi­dent-elect Bongbong Marcos, para kong nakikita ang kan­yang tatay.

Sa kanyang pagsasalita at galaw, Marcos na Marcos talaga. Lalo na ngayong matapos ang walang humpay niyang pangangampanya sa buong bansa, tingin ko’y nawalang bigla ang boyish looks ni Bongbong. Parang tumanda nang kung ilang taon. What I see, kapag nagsa­salita siya sa television ay ang imahe ni dating Presidente Ferdinand Marcos, Sr.

Nagsusuot pa siya ngayon ng polo-barong na halos kagaya ng isinuot ng kanyang ama nang ito’y nabubuhay­ pa. Bilang reporter na nag-cover nang matagal na panahon­ sa matandang Marcos, pamilyar na pamilyar ako noon sa hitsura at paraan ng pagsasalita ng dating Presidente.

Bata pa noon si Bongbong at ibang-iba ang mukhang niya na mas nagmana sa mestisong anyo ng mga Romualdez. Pero ngayon, nagulat ako nang unti-unting lumabas sa anyo ni Bongbong ang imahe ng kanyang ama.

Ang nakikita ko sa kanya ngayon ay isang determinadong Marcos Sr. Na umaalab ang hangaring linisin ang kanyang pangalan na nadungisan at inalipusta nang marami sa matagal na panahon.

Marami pa rin ang nagagalit sa kanya at may mga pag­dududa sa kanyang intensiyon bilang pangulo. Maibabalik­ ba ni Bongbong ang gumuhong dangal ng kanyang pa­milya? Iyan ay depende sa kanyang mga gagawin.

BONGBONG MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with