^

PSN Opinyon

Bawat Pilipino nakasanla nang P100,000— pati sanggol

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Fake news na umutang ang Noynoy Aquino administration­ at iniwang bayarin ng bansa ang P5.9 trilyon. Ang halagang ‘yon ay running balance ng mga natitirang utang ng anim na panguluhan mula kay Marcos. Ang inutang mismo ni Noynoy sa anim na taong administrasyon ay P1.37 tril­yon. Malaki rin—25% ng kabuuan. Nakalista lahat sa Department of Finance kung saan-saan ginasta ang P1.37 trilyon na ‘yon.

Totoo na halos dumoble ang utang ng bansa sa ter­mino ni Rody Duterte. Ang P5.9 trilyon na inabutan niya nu’ng 2016 ay naging P11.73 trilyon nu’ng 2021. At uutang pa siya ng P2.47 trilyon ngayong 2022. Ang maiiwan ni Duterte na utang sa loob ng anim na taon ay P13.42 tril­yon. Sa kabu­uang ‘yon, P8.3 trilyon ang inutang niya.

Babayaran nating lahat ‘yan. Kaya masasabing naka­sanla tayong 110 milyong Pilipino—pati sanggol—nang mahigit tig-P100,000. Aray!

Saan napunta ang P8.3 trilyon na inutang ni Duterte? Kulang sa detalye ang administrasyon niya kaya nagta­tanong ang mga ekonomista:

l Ginasta kaya ‘yon sa depensa ng bansa? Batay sa talaan, P500 bilyon lang ang ginugol sa bagong barko, eroplano, helicopters at armas.

l Ginasta kaya sa “Build, Build, Build” infrastructures? Sa 68 na nilistang bagong airports, piers, highways, tulay, eskuwelahan at ospital, anim lang ang natapos. Ang mga iba ay sinimulan noon pang termino ni Noynoy Aquino. Sa panahon ni Duterte kalahati lang ng budget ng Department of Public Works and Highways at Department of Transportation ay nagasta taun-taon nu’ng 2016-2019. Nitong pandemya bumagsak pa sa 30% ng nakalaang pondo ang nagasta para sa bayan.

l Napunta ba ang inutang sa pandemic supplies: surgical masks, face shields, protective outfits, bakuna? Sa imbes­tigasyon ng Senado, overpriced ang binili ng adminis­trasyon sa Pharmally atbp Chinese middlemen, at bilyon-bilyong piso ang ‘‘ghost procurements’’. Ni ayaw aminin ng Malacañang kung magkano binili ang bakunang Sinovac.

NOYNOY AQUINO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user