^

PSN Opinyon

President Digong, ipagbawal mo ang camera sa sabungan!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

HINDI dapat payagan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na magkaroon ng camera sa mga sabungan dahil naging ugat ito ng online sabong. Dapat rebisahin ng DILG, sa pamamagitan ng Local Government Units (LGUs), na ang lahat ng sabungan ay walang camera para isulong ang kautusan ni President Digong na isara ang e-sabong. Nililiwanag ng mga Marites na sabungero na itong camera ay may tinatawag na ‘‘mirror’­’ na s’yang nag-live feed ng sabong sa mga parukyano ng e-sabong sa abroad. Kapag may camera ang isang sabungan, tinitiyak ng mga kosa kong sabungero na may gumaganang e-sabong. Dipugaaaaa! Get’s mo Interior Sec. Eduardo Año Sir?

Maaring nagsara ang mga off-cock betting stations (OCBS) ng e-sabong sa buong Pinas subalit maraming bukas na palaro na ang mga kliyente ay kadalasan mga OFWs sa abroad dahil mahirap naman itong hulihin ng kapulisan. Sa sitwasyon na ito, ang naiwang nganga ay ang gobyerno ni President Digong dahil tax-free ang ope­ration ng e-sabong. Hindi tulad noong hindi pa sila ipinasara na umaabot sa P640 milyon ang napupunta sa Pagcor, di ba mga kosa? Mismooooo! Hak hak hak! Ayon sa mga kosa kong Marites 65 percent na kita ng sabu­ngan sa ngayon ay napupunta lang sa LGU tapos ang gobyerno ni President Digong ay bokya. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Dapat alamin din ni Sec. Año kung sino itong supplier ng camera sa mga sabungan dahil kumikita rin sila sa patuloy na operation ng e-sabong. Itong camera pala mga kosa ay sobrang mahal at ang mga hi-tech talaga ay umaabot sa P500,000 ang presyo. Kung ang sabungan na may e-sabong ay magkakabit ng walo hanggang 15 cameras, eh di paldo ang kita ng supplier, di ba mga kosa? Kaya siguro sinusuway ng mga e-sabong operators ang kautusan ni President Digong na magsara sila dahil ma­impluwensiya ang supplier ng camera sa gob­yerno. Dipugaaaaa! Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan? Mismooooo!

Para makasiguro talaga si President Digong na wala talagang e-sabong, dapat ipagbawal niya ang camera sa mga sabungan o dili kaya’y ipahinto din n’ya ang sabong. Araguuyyyyy! Sa sobrang laki ng kita kasi sa palaro na ito, aba’y hayagang nagpapalusot o naggi-gerilya talaga ang mga operators ng e-sabong.

Sino ba ang ayaw ng pitsa, di ba mga kosa? Kaya lang napapasama ang imahe ni President Digong kapag patuloy na iiputan lang s’ya ng mga operators ng e-sabong. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Kilos na President Digong Sir para hindi ka maakusahan na lameduck. Mismooooo! Abangan!

DILG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with