^

PSN Opinyon

Sa pulitika, walang permanenteng kaibigan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Bago pa man ganapin ang presidential polls noong Lunes, may ilang tao’ng nangangamba na kung magwagi ang tambalang Marcos-Duterte, may magsusulong uli ng disqualification case laban kay Bongbong. Kung ito ay mangyayari, si Vice President Sara Duterte ang ma­uupong presidente. Iyan ang itinatakda ng law of succes­sion sa ating Konstitusyon.

Kung mapagtitibay daw ang diskuwalipikasyon sa loob­ ng dalawang taon, nangangahulugan na magsisil­bing pre­si­dente si Inday Sara sa loob ng apat na taon at kuwa­li­pikadong tumakbo sa pagka-presidente sa susunod na anim pang taon. Samakatuwid, kabuuang 10 taon ang magiging extension ng rehimeng Duterte kung mangyayari ito.

Opinyon lamang iyan ng ilan na hindi dapat pinaniniwalaan nang buong-buo pero posibleng mangyari. Ngunit naniniwala ako na magiging maligalig ang anim na taong panunungkulan ni Marcos kung magpapatuloy ang pagkakawatak ng bansa na ngayo’y dapat nang isantabi. Iyan mismo ang isa sa mga rason kung bakit hindi ko ibinoto si Marcos at pinili ko si Leni Robredo.

Siguro, ang ganyang disqualification theory ay ibinabatay sa pagluklok noon ni Vice President Gloria Macapagal-Arroyo nang ma-impeach at maalis sa tungkulin ang noo’y presidenteng si Joseph Estrada.

Sa haka-haka ng iba, ito raw ay tusong paraan para ma­palawig ang termino ni Duterte na siya umanong mag­papatakbo ng bansa sa pamamagitan ng kanyang anak na si Sara. Ang gagawa raw ng ganitong senaryo ay mga taong inakala ni Bongbong na kanyang kaibigan.

Totoo man o kathang isip ang mga ideya, sa sandaling maupo bilang presidente ang batang Marcos, dapat siyang mag-ingat sa mga taong nakapaligid sa kanya. Sa panig ng taumbayan, basura na ang political division na nasaksihan natin nitong election period at sumuporta sa mga magandang adhikain ng papasok na administrasyon. Ngunit dapat ding manatiling mapagmatyag ang bayan laban sa anumang posibilidad na katiwalian at pang-aabuso.

BONGBONG MARCOS

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with