^

PSN Opinyon

Banta, sabay suhol?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Habang ang atensiyon ng mamamayan ay nasa mga kampanya ng mga kandidato sa iba’t ibang posisyon, pati na rin ang digmaan sa Ukraine, tila pinagsamantalahan ng China ang muling panghihimasok nito sa ating karagatan. Isang insidente ay noong Marso 2 kung saan masyadong lumapit ang barko ng Chinese Coast Guard (CCG) sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa may Bajo de Masinloc o Scarborought Shoal. Delikado ang ginawang paglapit ng barko ng CCG na tila naninindak sa ating coast guard.

Sa may hilagang-kanlurang bahagi ng karagatan, sinun­dan ng barko ng CCG ang R/V Legend na nagsisigawa ng panunuri ng mga fault lines sa ilalim ng dagat mula Marso 25-30. Mga Pilipino at Taiwanese na siyentipiko ang nasa R/V Legend. Tila binabantayan kung ano ang ginagawa ng mga siyentipiko. Ganito ang mga kilos ng CCG, kahit nasa loob ng ating exclusive economic zone.

Nagbanta naman si Chinese President Xi Jinping na ang panrehiyong seguridad ay hindi makakamit sa pama­magitan ng pag-alyansa sa ibang bansa. Malinaw na patama ito sa alyansa ng Pilipinas at Unites States. Kabilang na ang pagresponde ng U.S. kung may sumalakay sa ating bansa dahil sa Mutual Defense Treaty (MDT). Sabay dugtong ng pahayag na dadagdagan ng China ang pagbili ng mga pro­duktong Pilipino at pamumuhunan sa bansa. Banta, tapos suhol ba iyan?

Sa loob ng dalawang buwan ay matatapos na ang termino ni President Duterte. Hindi pa masabi kung sino ang papalit sa kanya. Hindi rin alam kung ano na ang magiging malapit na relasyon ng Pilipinas sa China dahil kay Duterte. Hindi tumitigil ang panghihimasok at paninindak at panakot ng China sa ating mga barko, maging militar o sibilyan pati na ang ating mga mangigingisda.

Malinaw naman na hindi puwedeng isantabi ang ating pag-alyansa sa U.S. na nagpahayag na hindi katanggap-tanggap ang ginagawang militarisasyon ng China sa ilang isla sa West Philippine Sea pati na rin ang pag-angkin sa halos buong karagatan. Kapag may bagong presidente lang natin malalaman kung anong direksiyon ang tatahakin hinggil sa relasyon sa China pati na rin ang mga isyu sa kara­gatan. Ang malinaw ay hindi magbabago ang katayuan ng China na sa kanila raw ang buong karagatan kaya may karapatan silang gawin ang anumang nais nila.

vuukle comment

CCG

UKRAINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with