^

PSN Opinyon

Pulitika sa La Union sobrang dumi!

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Noong nakaraang Marso 22, ganap na alas siyete ng umaga, nagulantang ang pamilya ni Marianito Balderas ng Bgy. San Miguel, Agoo, La Union nang biglang pasukin ng mga kagawad ng CIDG-La Union ang kanilang bahay sa bisa ng search warrant dahil may itinatago umanong mga baril doon. Naghalughog ang CIDG subalit walang nakitang baril sa bahay ni Balderas.

Ang matindi rito, nakunan ng video ng anak ni Balderas ang balak ng mga ahente ng CIDG na pagtatanim ng bala at revolver para madiin si Balderas.

Si Balderas ay tumutulong sa kampanya ng tumatakbong kongresista sa second district ng La Union. Dati siyang nasa kabilang kampo.

Kung ano ang puno’t dulo para madiin si Balderas at kung sino ang nasa likod nito ay malaking misteryo. Ang malinaw ay ang dokumentadong pagtatanim ng bala at baril ng mga tauhan ng CIDG.

Madaling sabihin ng CIDG na isolated case ang nangyari. Ngunit ang pangyayari sa bahay ni Balderas ay buhay na alaala at hindi na mabubura sa isipan ng mga saksi ang kabalbalang ginagawa ng mga alagad ng batas.

Nananawagan ang pamilya Balderas sa PNP na imbestigahan at panagutin ang mga kagawad ng CIDG na nag-raid sa bahay nila upang hindi pamarisan ang mga ito.

Kamakailan, sinabi ni PNP chief Dionardo Carlos na bawal magpagamit sa pulitiko ang mga pulis.

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

CIDG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with