^

PSN Opinyon

Nagkakaisa kay Garcia

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Seryoso si Tubao, La Union Mayor Dante Sotelo Garcia na manilbihang mambabatas sa ikalawang distrito.

Uhaw na uhaw na ang mga taga ikalawang distrito sa mga lider na gaya ni Garcia na ang nasa isip ay pagli­lingkod sa bayan. Pangkaraniwang tao lamang si Garcia subalit hitik siya sa karanasan sa pamumuno. Punumpuno siya ng pangarap para sa kanyang probinsiya.

Noong Biyernes na umpisa ng kampanyahan, nagpahayag ng suporta ang vice governor at mga mayor kay Garcia bilang kinatawan nila sa kongreso.

Kabilang sa mga sumuporta si La Union vice governor Mario Ortega, Bagulin Mayor Virgilio Flor, Burgos Mayor Robert Madarang Jr., Aringay Mayor Eric Sibuma, dating Bauang Mayor Martin de Guzman at Tubao mayoralty aspirant Jonalyn Fontanilla.

Pati ang mga lider ng Simbahang Katoliko, Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints, Seventh Day Adventist Church, Crusaders of the Divine Church of Christ, Islam, United Methodist Church, United Church of Christ of the Philippines, Iglesia Filipina Independiente ay nagpaabot din ng suporta kay Garcia.

Nagkakaisa ang mga botante ng La Union na ang taong iluluklok nila sa puwesto ay tiyak nilang magtataguyod ng mga programang maghahatid ng kaunlaran sa probinsiya – at iyan ay walang iba kundi si Garcia.

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

DANTE SOTELO GARCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with