^

PSN Opinyon

Sana manatiling mababa

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Kung bumababa ang bilang ng COVID cases dito sa ating bansa, kabaliktaran naman ang nangyayari sa iba. Sa China, may dalawang namatay dahil sa COVID sa loob ng isang taon. Wala na nga ang China sa listahan ng mga bansang mataas ang bilang pero nagkaroon ng surge kamakailan sa ilang lugar. Sa South Korea, nasa 400,000 ang positibong kaso. Sa Hong Kong, nasa 20,000 ang kaso. Sa Vietnam, nasa 100,000 ang kaso. Sa Japan, Malaysia at Thailand, parehong 20,000. Ang Singapore na unang nagpahayag na wala na silang kaso dahil marami nang nabakunahan ay nasa 10,000.

Sa Europe, hindi rin maganda ang nababalita. Sa France, 100,000 ang kaso habang sa Germany, nasa 200,000. Mataas din sa Netherlands, Italy at Greece. Nagbabala ang WHO na ang nakikita ngayon ay “tip of the iceberg” lamang. Ibig sabihin, nagsisimula pa lang ang pagkalat ng COVID at maaaring dumami pa.

Sa tingin ko, may kinalaman ang pagtanggal na ng obligasyong magsuot ng face mask o magpakita ng katunayan na bakunado na kapag nasa labas na. Hindi na rin naipatutupad ang physical distancing kaya nagdadagsaan na ang tao kung saan-saan at hindi na sang-ayon sa anumang paghihigpit na nais ipatupad ng kani-kanilang gobyerno. Napagod na ang tao sa dalawang taong pag­hihigpit at tila tinanggap ang COVID ay hindi naman mawawala kaya nais nang ibalik sa normal ang buhay.

Pero ang mahirap ay may mga namamatay pa rin. Sa South Korea, 300 ang namatay samantalang sa Europe ay daan-daan na. Kung tinatanggap nang maraming bansa na hindi na mawawala ang COVID sa buhay at matuto nang mabuhay kasama ito, siguraduhin na malaking por­syento ng kani-kanilang populasyon ang nabakunahan na. Bakuna pa rin ang pipigil sa kaso ng COVID na maa­aring humantong sa kamatayan.

Nababahala nga ako at tila ngayon lang tayo bumabalik sa normal na buhay kasabay pa ang pangangampanya ng mga kandidato. Mga rally na dinadaluhan nang maraming supporters. Hindi na nasusunod ang distancing at wala nang magawa ang Comelec. Sana hindi tayo magaya sa ibang bansa na nagkakaroon muli ng pagtaas ng bilang. Sana manatili ang mababang bilang, o mas mababa pa.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with