^

PSN Opinyon

Kasya ba ang P200 na ayuda?  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HALOS lahat ng bilihin ay nagtaasan na. Ang pamasahe ay namiminto ring tumaas. Pati kuryente tataas din. Pero ang suweldo ng mga manggagawa, nananatiling mababa. Kaya ang tanong ngayon kasya ba ang P200 ayuda na ibibigay ng pamahalaan?

Ayon kay Sen. Grace Poe, talagang pinagmumukhang kawawa na talaga ng pamahalaan ang mamamayan. Ganun na lang ba talaga kaliit ang tingin ng pamahalaan sa mga mahihirap? Ayon sa senadora, hindi katanggap-tanggap ang P200 na ayudang ibibigay. Kung susumahin, papatak na P6.66 kada araw lang ito. Ito ay katumbas ng limang kilong bigas na tatagal ng isang linggo.

Hanggang ganyan lang ba talaga ang kayang itulong ng pamahalaan sa mamamayan? Hindi, ayon kay Poe. Malaki ang kanilang mga bayarin, marami ang walang trabaho dahil sa pandemya. Hindi raw dapat tinitipid ng gobyerno ang pagbibigay ng tulong sa mamamayan. Hirit pa ng senadora, dapat isuspinde ang excise tax sa mga produktong petrolyo.

“Dagdagan ang P200 na ayuda para maitawid ng mamamayan ang kanilang mga pangangailangan,” sabi ng senadora. Dapat mag-isip pa ang pamahalaan kung paano madaragdagan ang maibibigay nito sa mamamayan­ dahil sa walang humpay na oil price hike.

AYUDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with