^

PSN Opinyon

Handa na para sa Alert Level 0

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SANG-AYON na umano ang mga Mayor ng Metro Manila na ilagay na sa Alert Level 0 ang kani-kanilang siyudad. Hinihintay na lang ang mga gabay mula sa IATF. Kung sakaling ilagay na nga sa Alert Level 0, normal na ang operasyon ng mga negosyo, pagtitipon, simbahan at iba pa. Pero patuloy pa rin ang pagsusuot ng face mask at paghuhugas ng kamay. Mahalaga na maging bakunado.

Patuloy ang pagbabakuna ng gobyerno. Ayon sa DOH, 64 milyon ang kumpleto ang bakuna at 10 milyon dito ang naka-booster. Ang target ng DOH ay umabot sa 70 milyon sa katapusan ng Marso. Maganda kung nasa 90 milyon ang kumpleto ang bakuna at mga 50 milyon ang may booster.

Samantala, kinumpirma ng World Health Organization­ (WHO) ang bagong variant ng COVID-19 na tinawag na Del­tacron­. Patunay na hindi pa tapos ang pandemya at nagka­karoon ng variants ang coronavirus. Wala pang datos kung mas peligroso ang Deltacron o malumanay lang ang mga sintomas. Ang sigurado, merong variant na umiikot sa mundo.

Wala pang ebidensiya na meron sa Pilipinas, pero maging maingat pa rin. Kung sa palagay ninyo ay normal na ang lahat, mag-isip munang mabuti. Face mask at bakuna ang mga epektibng sandata laban sa COVID.

Nararapat namang bantayan ang pangangampanya ng mga kandidato. Dumaragsa ang kanilang supporters at hindi na nasusunod ang physical distancing at marami ang hindi na naka-face mask. Samantala, hindi pa naglalabas ng mga gabay ang Comelec sa pagboto. Palalawigin ba ang oras? Magdaragdag ba ng araw? O pababayaan na lang tulad ng mga nakaraang elections?

vuukle comment

IATF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with