^

PSN Opinyon

Tinatago

DURIAN SHAKE - Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa ng nagdaang mga linggo, hindi maiwasang maghinala na ang aktwal na bilang ay mas higit pa kaysa kung ano ang nireport ng Department of Health.

Ang problema kasi ay ganito, marami rin ang mga nagkasakit na masasabing may sintomas ng COVID na ayaw magpa-test. Siguradong marami sa kanila ang positibo rin sa COVID.

Ang pangyayaring ‘yun ay nagaganap din dito mismo sa Davao City dahil may ilan-ilan din akong kakilala na nagkaubo, sipon, lagnat, sore throat at pananakit ng katawan na hindi nagpa-test maging Antigen man o RT-PCR.

Ito ay sa kadahilanan na ring ayaw nilang mapasok sa Southern Philippines Medical Center o sa treatment and monitoring facilities.

Kaya ang resulta, hindi nga malaman ang eksaktong bilang ng COVID cases sa bansa kahit pa man may daily update na nilalabas ang DOH base sa kung anong reports ng laboratories sa buong bansa.

Hindi naman lahat ay pumupunta ng laboratories. Kung saan may maraming laboratories doon kalimitan marami ang COVID cases.

At ang iba naman ay sadyang tinatago ang kanilang nararamdamang sintomas dahil nga sa takot na magpositibo sila sa COVID tapos sapilitan na silang iku-quarantine o ia-isolate. Kaya laking takot lang ng ating mga kababayan dahil mawawalan sila ng hanapbuhay o pagkakitaan sa ilang araw. Hindi sila mamamatay sa COVID ngunit mamamatay sila sa gutom.

Ito ay isa lang sa mga problemang kinahaharap sa pandemyang ito na patuloy nating nilalabanan. Wala pa ring nakakahigit pa sa pag-iingat nating lahat.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with