^

PSN Opinyon

BBM hindi tatantanan

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Para kay Presidential aspirant at VP Leni Robredo, gusto niyang talunin sa Presidential race si BongBong Marcos sa isang eleksyon imbes na kumilos para madiskuwalipika ito sa halalan. Pero tila walang balak tantanan ng mga “kakampink” si Marcos para tuluyang maitsapuwera ito sa Presidential elections matapos ibasura ng second divi­sion­ ng Comelec ang disqualification petition laban sa kanya.

Ayon kay Atty. Teddy Te, abogado ng mga petitioners, magsasampa sila ng motion for reconsideration para mabaliktad ang desisyon. Puwede pa nilang gawin ito sa loob ng limang araw matapos ipalabas ang promulgation ng Comelec.

Alam na nating lahat ang nakapaloob na usapin na may kinalaman sa hindi pagdedeklara ng income tax return ni Marcos nang ito ay gobernador pa ng Ilocos Norte. Idineklara ng Comelcc na hindi nagkasala si Marcos sa mga alegasyon laban sa kanya.

Tama si VP Leni. Haharapin niya si Marcos sa isang patas­ at walang pandarayang eleksiyon. Mas mabuti talaga na ang mamamayan ang magtakwil kay Marcos para matuldukan ang usapin.

Mahalaga ang ating mga Korte pero sa ilang isyung political, ang mga desisyon nito ay magbubunga lamang ng walang katapusang sagutan sa panig ng nag-aakusa at inaakusahan.

Tingin ko, ang dapat gawin ng oposisyon ay mangam­panya sa madla na huwag iboto si Marcos at magprisinta ng mga katibayan na magpapatunay na hindi siya karapat-dapat mamuno sa bansa.

Sa patuloy na paghadlang sa kanyang kandidatura ay nagmumukhang kontrabida ang oposisyon at ito ay nagiging bentahe para tumaas lalo sa survey si Marcos.

LENI ROBREDO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with