_ngayon
^

PSN Opinyon

‘No vax, no ride’  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MAHABA ang pilahan sa vaccination site ngayon. Marami na ang natatakot sa mabilis na pagkalat ng COVID-19. Marami na ang tinamaan ng COVID kaya punuan na naman ang mga ospital. Noong nakaraang linggo, ipinag-utos ni President Duterte kay DILG Sec. Eduardo Año na pakilusin ang barangay officials para hanapin ang mga hindi bakunado. Sa ngayon, bahay-bahay na ang pagtukoy sa mga walang bakuna. Maging ang Department of Trans­portation ay nagpalabas na rin ng kautusang “no vax, no ride”.

Tinututulan naman ito ng mga driver ng mga pampublikong sasakyan gaya ng dyipni. Malaking abala raw sa kanila na isa-isahin ang mga pasahero na walang bakuna. Paano raw ang mga napi-pick up nilang pasahero. Okey daw naman sana umano kung ang lahat ng mga pasahero na kanilang mapupulot sa daan ay may nakabantay na mga tauhan ng Inter-Agency Task Force (IATF) para ma-tsek ang mga bakunado at hindi.

Sang-ayon naman mga driver na ipatupad ang “no vax, no ride” dahil makakaiwas din naman sila sa COVID, subalit kung walang enforcers na magmi-maintain nito tiyak na malalagay lamang sila sa alanganin di kaya’y mapapaaway lamang sila sa mga matitigas ang ulo na walang bakuna.

Sumawsaw naman agad ang Commission on Human Rights. Diskriminasyon daw ang “no vax, no ride”. Hindi raw dapat pigilang sumakay ang mga hindi bakunado. Para sa akin, dapat ipatupad ang “no vax, no ride” upang mapigilan ang pagkalat ng COVID. Ito ang nararapat.

Tanging bakuna ang solusyon sa pandemyang ito. Bagsak na ang ekomoniya at kailangang maibangon ang negosyo ng magkaroon ng hanapbuhay ang lahat upang kumita.

Marami namang nalilito sa ipatutupad ng Department of Health tungkol sa pagpapaikli ng quarantine period sa health workers at sa mga tinatamaan ng COVID. Kung iikliaan ang pag-quarantine sa mga ito baka lalong tumaas ang mga mahahawahan dahil makakasalamuha sila ng mga pasyente o kapamilya. Kaya ang panawagan nila kay DOH secretary Francisco Duque na pag-aralan muna ito bago ito ipatupad.

COVID-19 DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with