^

PSN Opinyon

Makati, nakatutok sa pagpapaunlad ng kabataan

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Malaki ang naging epekto ng pandemya sa mga kabataan. Isa na rito ang pagtigil ng nakasanayang face-to-face classes at madaliang paglipat sa blended learning system.

Karapatan ng mga batang makapag-aral, kaya agad kaming nakipagtulungan sa DepEd-Makati sa paggawa ng mga hakbang para magpatuloy ang kanilang edukasyon.

Hindi naging madali ito, pero sa tulong ng teknolohiya at maagap naming pagkilos, natulungan naming makasabay ang mga Batang Makatizen sa pagbabago.

Inihanda namin ang learner’s package at naipamahagi sa 85,000 estudyante mula preschool hanggang senior high school, kasama ang ALS at SPED. Isa sa mga laman nito ang on-the-go o OTG flash drive na naglalaman ng digitized self-directed modules at video broadcast editions. Kahit walang internet connection, pwede itong gamitin sa cellphone, tablet, ipad, laptop, desktop computer o sa smart TV.

Sagot din ng lungsod ang load allowance na ­pa­nglimang oras ng internet connection araw-araw para makasali ang mga mag-aaral sa synchronous classes.

Dahil hindi naman lahat ay may gadget, nagpadala kami ng 27 Dyipni Maki mobile learning hubs na umiikot sa mga barangay. Sakay nito ang laptops na may internet connection, mga libro at iba pang learning materials, kasama ang teacher at learning assistant na nakakapagturo sa mga estudyante.

Ramdam namin ang pinagdadaanan ng mga mag-aaral. Kaya simula 2020, nagbigay kami ng tig-P1,000 sa mga non-honor graduates. Tulad ng honor graduates na nakakatanggap ng P2,000 hanggang P5,000, deserve din nilang mabigyan ng insentibo.

Gaya ng dati,  ang lahat ng naka-enrol mula pre-school hanggang senior high school ngayong school year ay nabigyan ng high-quality school bags, leather shoes, rubber shoes, at iba pang supplies na kailangan.

Nakapaghanda na rin kami para sa pagbabalik sa face-to-face classes sa mga eskwela. Bukod sa tuloy-tuloy na pagbabakuna kontra COVID sa mga batang edad 12 hanggang 17 taon, may nakaabang nang temperature checkers at alcohol dispensers sa mga school entrance. Nailatag na rin namin ang health protocols para sa kaligtasan ng mga estudyante at mga guro.

Sa unti-unting pag-usad natin tungo sa new normal, sinisiguro naming matututukan ang bawat kapakanan at karapatan ng mga Batang Makatizen.

vuukle comment

DEPED

FACE TO FACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with