_ngayon
^

PSN Opinyon

Dugo babaha sa NAIA?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MALAMANG bumaha ng dugo sa airport kapag hindi napigilan ang dalawang pangkat ng mga korap sa Bureau of Immigration-NAIA na nag-aaway. Sabi nga, huwag na ninyong antayin pang may magtarantado este mali huramentado pala at magbitbit ng kris! Bakit?

Malaking pera ang pinag-aawayan sa NAIA dahil sa gutom na nara­nasan nila mula nang tirahin ni Sen. Risa Hontiveros ang ilan sa diumano’y nagpartehan ng salapi rito. Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pinag-aawayan ng dalawang korap na pangkat sa BI-NAIA ay ang muling pagdagsa sa Philippines my Philippines ng Chinese POGO workers. Sabi nga, “The return of the come back”.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang singil ng isang pangkat ng mga korap sa Chinese POGO workers ay P25,000 to P40,000 each kaya masaya sila dahil walang nakikialam sa kanilang secret operations sa NAIA 1, 2 and 3? Ika nga, kin­datan lang ng mata.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may grupo ng mga korap na BI emplo­yees na diumano’y mga taga-Mindanao ang nagbagsak ng presyo sa Chi­nese POGO workers kaya nanggagalaiti ang kalaban.

Ang singilan blues ay P15,000 to P20,000 each sa Chinese POGO workers na may depakto ang dokumento. Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinababayaan diumano ng mga kamote sa BI ang dalawang pangkat na magpatayan para sila naman ang mag-operate sa papasok na Chinese POGO workers. Sabi nga, naghihintay ang pangatlong pangkat ng mga korap!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may problema kasi ang mga Chinese POGO workers na puma­pasok sa Philippines my Philippines dahil ang mga dala nitong mga dokumento ay problematic sa bitbit nilang supporting documents halimbawa ang DFA endorsement, company identification cards at iba pang  requirements.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ito ang inaantay ng mga korap sa BI-NAIA na makiusap ang mga ahente ng Chinese POGO workers. Ika nga, basta nakatimbre, may usapang pera, satisfied ang mga korap pasok ang mga kamoteng Chinese, hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, habang abala ang mga korap sa paggawa ng pitsa sa NAIA, abala rin ang ilang kamoteng opisyal sa “Recall Exclusion Order” na sinisingil daw ngayon ng P150,000? Ano ang masasabi mo, Boy “Kastrol”?

“Nasa Crame ka na, umiikot ka pa uli sa bureau. Kulang ba ang hi­nataw mo sa mga Chinese noong bago magka-CO­VID?” tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Alam kaya ito ni NAIA-POD Chief Atty Capulong at Ms. Timmie ng BI-NAIA-TCEU?

NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with