_ngayon
^

PSN Opinyon

Lokohan, karnabal, drama

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

“MAGRERETIRO na ako.” “Hindi ako tatakbong presidente­.” “Tatapusin ko ang termino bilang mayor.’’

Iyan ang mga narinig mula sa ilang kilalang taga-admi­nistrasyon. Pero wala rin. Wala ring tinupad sa mga pahayag. Lahat tatakbo ngayong parating na halalan para sa mga posisyon na sinabi nilang hindi sila interesado.

Pero hindi naman ikinagulat nang marami ang pagbawi ni Sara Duterte-Carpio ng kanyang kandidatura para sa pagiging mayor muli ng Davao City. Alam na tatakbo para sa mas mataas na posisyon tulad ng ginawa ng kanyang ama noong 2016. Medyo ikinagulat lang ang pagsali sa Lakas-CMD at naghain ng kandidatura para vice president. At magiging katambal pa ang anak ng dating diktador.

 Si Bong Go naman ang pumalit kay Bato dela Rosa para tumakbong president pero sa ilalim din ng ibang partido. Habang sinusulat ito, nag-file ng kandidatura si President Duterte sa pagka-senador sa halip na vice president. Isang abogado ang nag-file ng candidacy niya. Kahapon ang huling araw ng substitution.

Ano naman kaya ang pinaplano ng mag-ama kung sila ang naging magkatunggali sa posisyon ng vice president? Sinisigurong may Duterte pa rin sa Palasyo? Hindi gahaman sa kapangyarihan ang kilos na ito? Lokohan, karnabal, panlilinlang, drama. Ito ang pahayag ng ibang mga kandidato sa pagka-presidente sa naganap nitong mga nakaraang araw nang papalapit na ang deadline sa substitution sa Comelec. Dapat talagang pag-aralan ang patakaran ng Comelec. Parang hindi siniseryoso at pinag­lalaruan ang proseso.

Panahon para pag-aralan, partikular ng mga bagong botante na karamihan ay kabataan, ang mga kandidato. Pag-aralan kung sino sa kanila ang may tunay na plata­porma para sa ikabubuti ng bansa. Hindi apelyido lang ang titingnan. Hindi mga gimik, patawa at aliwan lang ang bibigyan ng halaga kundi ang pagtukoy sa mga problema ng bansa at ang mga solusyon.

Isa na rito ay ang pandemya at ang pagbagsak ng ekonomiya dahil dito. Maraming negosyo ang nagsara, marami ang nawalan ng trabaho. Hindi pa tayo lubusang nakaligtas sa krisis kahit tila lumuluwag na ang sitwasyon. Kailangan lang tumingin sa nagaganap sa ibang bansa nang lumuwag na rin ang kanilang mga patakaran. May eleksyon nga sa darating na taon. Pero problema pa rin ang COVID. Hindi pa nga alam kung ano ang magiging sitwasyon sa Mayo ng 2022. Kung umiikot na nga ang mga kandidato, hindi pa rin dapat kinakalimutan ang pagtukoy sa pandemya.

ELECTION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with