_ngayon
^

PSN Opinyon

Ex-mayor ng San Ramon, Isabela, nag-asal kawatan dahil sa sugal?!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Ang sugarol, walang “delikadesa” walang integridad­. Kung ikaw ay naging ama ng bayan na tumatakbo ulit ng pagka-mayor pagkatapos ay lulong ka sa bisyo, patay kang bata ka!

Eto kasing ex-mayor ng San Ramon, Isabela na si Wilfredo­ Tabag, ipina-BITAG ng kanya mismong pinsan­. Ayon sa nagreklamo, ang sasakyang kanyang ipi­nundar sa loob ng dalawang dekada sa pagiging isang OFW ay hi­niram daw ni Tabag.

Hindi na raw isinauli sa kanya ang sasakyan kahit makailang beses na niyang kinokontak si Tabag. Tinaguan na raw siya kaya lumapit na sa BITAG. Ang siste, nangumpisal umano sa nagrereklamo ang drayber ni Tabag. Naisangla raw ang sasakyan dahil daw sa pagsusugal. Nadismaya ang nagrereklamo dahil nagtiwala siya ng lubos sa pinsang si Tabag. Bukod naman daw kasi sa kadugo niya ito ay naging ama pa ng bayan.

Si Tabag, nag-ala-kawatan, nanghiram at pagkatapos ay tinangay ang sasakyan. Estilong ginagawa lamang ng mga dorobo at ng sindikatong “rent-tangay”.

Eto ang matindi, nang magbukas ang Comelec para sa filing ng certificate of candidacy (COC), biglang lumutang si Tabag. Nag-file ng COC para tumakong mayor muli ng San, Ramon, Isabela. Hindi man lang daw nakipag-usap o nakipagkita sa nagrereklamong hiniraman niya ng sasakyan. Aba’y walanghiya talaga!

Dating Mayor Tabag, idikdik mo ‘to sa iyong kukote: mahiya ka sa balat mo. Ibalik mo ang sasakyang hiniram mo, ‘wag kang mag-ugaling kawatan. Baka nakakali­mutan mong isang krimen ang ginawa mo. Kung naisanla mo ang sasakyang hindi sa’yo, estafa yan.

Hindi lang pinsan mo ang nagrereklamo. Pati anak mo, nananawagan sa’yong ibalik ang pag-aaring hindi naman sa’yo. Napakawalanghiya mo naman siguro kung magtatago ka lang at dedma. Tatakbo ka pang mayor niyan, hindi ka naman puwedeng pagkatiwalaan?!

Ako na ang mananawagan sayo ex-Mayor Wilfredo Tabag, para hindi masira ang kredibilidad mo sa bayang tinatakbuhan mo. Kausapin mo ang biktima at iyong anak.

‘Wag mong pairalin ang kakapalan ng mukha at kawalan ng konsensiya tulad ng ibang pulpolitiko. Maliban na lang kung isa ka sa kanila.

Bukas ang aking tanggapan para sa iyong paliwanag. Wala sa akin ang usaping pulitika, nilapitan ang BITAG kaya magiging tulay kami na makausap ka ng biktimang tinaguan mo. Hindi mo gugustuhin na mapabilang ka sa listahan ng aming “The Hunt”.

OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with