^

PSN Opinyon

Pagkuyog ng Duterte admin pabor sa kalabang kandidato

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Doble-talim na espada ang negatibong pangangampanya. Kung oposisyon ang naninira, maaring masugatan ang kandidato ng administrasyon. Pero kung admin ang nangkukuyog, malamang masaktan lang nito ang sarili. Nililinaw ng mga eksperto ang dahilan.

Maraming botante ay bata o baguhan. Natural na hangad nila ang pagbabago, at subukan ang iba kaysa ihalal muli ang nasa puwesto. Lalo na sa mga lungsod kung saan mas mulat ang tao sa mga kaganapan, maka-oposisyon ang mga botante. Kapani-paniwala sa kanila ang mga kasamaan na ibubunyag laban sa naka-puwesto.

Sa kabilang dako, ayaw ng tao na nambu-bully ang administrasyon. Batid nila ang mga kakayahan at kasangkapan sa kamay ng nasa poder. Ayaw nila ang pang-aapi. Sa pelikula man o sa totoong buhay ng politika, otomatiko silang kumakampi sa inaapi o underdog.

Suwerte ang mga kandidatong oposisyon na kinukuyog ng Malacañang at mga departamento ng Ehekutibo. Sa bawat upak ni President Rody Duterte at mga alipores, lalong lumalabas na api ang target. Hindi lang sila mas naaalala at napapansin ng botante, lumalaganap pa ang simpatya sa kanila.

Sa bawat kilos ng administrasyon – silipin ang buwis ng taga-oposisyon o ipitin ang pangangampanya – nababawasan ito ng suporta. Naiisip ng botante na mas may kailangan ipaliwanag na tagong kita ang nasa poder, at pang-aabuso ng puwesto ang panghahadlang nito.

Mas mainam sa administrasyon ang positibong pagkampanya. Ibida nito ang mga nagawa at tagumpay, at isulong ang pagpapatuloy.

Mainam naman sa oposisyon na ipakitang iniipit sila. Kumbaga sa boksing, naisandal sila sa lubid at pinauulanan ng suntok. Napapatayo ang mga nanonood sa gan’ung eksena at sumisigaw ng “Laban. Laban!”

• • • • • •

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

PRESIDENT DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with