^

PSN Opinyon

Pinalitan ang petsa ng kasal

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

IKINASAL ni Judge Arglo si Patricia kay Johnny, isang Amerikano. Makaraan ang ilang buwan lumipad na sa Amerika ang mag-asawa. Ngunit hindi sila nagtagal doon dahil hindi matiis ni Patricia ang lamig sa nasabing bansa. Bumalik sila sa Pilipinas.

Nagkaroon sila ng anak. Lumitaw naman ang ugali ni Johnny. Nambabae siya at binubugbog si Patricia. Hindi nagtagal, humingi pa siya ng tulong kay Judge na pawalang bisa ang kasal nila. Tinulungan naman siya ni Judge at inirekomenda siya sa isang abogado. Dahil sa tagal ng petisyon, naghinala si Johnny na may sabwatan sina Judge at Patricia upang ipatalo ang kasong annulment na isinampa niya.

Kaya binalingan niya si Judge at sinampahan ng reklamong administratibo. Ayon kay Johnny, ikinasal daw sila ni Judge noong Marso 15, 1993. Ngunit pinalabas daw ni Judge na Hunyo 9, 1993 sila ikinasal ni Patricia kung kailan nasa ibang bansa siya.

Nang imbestigahan ang reklamo laban kay Judge, lumabas ang mga dokumentong kinakailangan para sa marriage license. Isa na rito ang sertipikasyon ng US Embassy na may kakayahan si Johnny na magpakasal sa ilalim ng batas ng US.

Ang sertipikasyong ito’y kailangang isumite sa apli­kasyon ng lisensiya kung saan ang isang partido sa kasal ay isang banyaga. Ang petsa sa nasabing sertipikasyon ay Mayo 19, 1993. Bukod dito, ang sertipikasyon tungkol sa pre-marriage counselling, isa pang dokumentong kailangan para mabigyan ng lisensiya ay may petsang Mayo 25, 1993.

Batay sa mga dokumentong ito, may katotohanan kaya ang paratang ni Johnny kay Judge na pinalitan lang nito ang petsa ng kanilang kasal ng Hunyo 9, 1993 sa halip na Marso 15, 1993?

Wala. Ang alegasyon ni Johnny na sila’y ikinasal ni Patricia noong Marso 15, 1993 ay pinabubulaanan ng mga sertipikasyong kalakip ng lisensiya. Ang petsa ng sertipikasyon ng US Consul ay Mayo 19, 1993 samantalang ang sertipikasyon ng pre-marriage counselling ay Mayo 25, 1993.

vuukle comment

KASAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with