_ngayon
^

PSN Opinyon

Endemic na?

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Habang hinahabol natin na mabakunahan ang mas naka­rarami, parang hindi naman maawat ang pag-angat ng bilang ng nagkakasakit. Nagiging karera. Either nasa kolumn ng bakunado o kolumn ng tinamaan.  

‘Yan ang argumento ng gobyerno kung kaya talagang pinupursigi ang vaccination drive. Ang teorya ay habang tumataas ang bilang ng may bakuna, bababa ang bilang ng nahahawa.  

Sa rate naman ng halos 423,000 kada araw na bakuna, abot-abot 18% ng populasyon ang protektado na. Sa gani­tong takbo, sa dalawang buwan ay hahantong tayo sa 30%. Kung isama pa sa bilang ang mga nagkasakit na dati at ngayon ay may sarili nang proteksiyon, pagdating ng Pasko ay higit na tayo sa 50%. Ang tingin nga ng ibang doktor at scientist ay puwedeng may herd immunity na sa mundo kung bibilangin ang mga na-expose sa virus na hindi nagkasakit. Talagang asymptomatic lang kung kaya ni hindi kinailangang magpatingin. 

Kesyo 50% pa ‘yan o 70% o ang anila’y herd immunity, pumapalo pa rin ng mga 21,000 ang tinatamaan araw-araw. At hindi makaila na may tinatamaan maging sa mga bakunado na. Kaunti man ang porsiyentong iyon, mahirap pa rin tanggapin na hindi masagutan ng agham sa ngayon ang sila’y saklolohan. Mahirap tanggapin na marami­ sa atin, kasama na ang inyong lingkod, ay maaring walang kalaban-laban kung sakaling tamaan.  

Ang sabi ng iba ay nandoon na tayo sa punto na hindi na pandemic ang tawag sa COVID kundi endemic. Ibig sabihin, sakit na itong hindi mawawala tulad ng karaniwang trangkaso. Kailangang matuto na tayong mabuhay na bahagi ito ng ating realidad. 

Maaring totoo na nga. Subalit mahalagang hindi tayo magsawa sa paghabol sa katotohanan. Huwag nating ipa­ubaya lang sa sabi-sabi ang kaalaman. Maging masigasig tayo sa pagkilatis at pagsuri ng mga balita. Tanging sa ganitong paraan lang natin mapuprotektahan ng mas mabuti ang ating kalusugan, kaisipan at kabuhayan. 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with