^

PSN Opinyon

Kaladkarin sa liwanag ang nagtatago sa kadiliman!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

PATULOY na nakikipagsubukan ang pamilya ng abusado sa Iloilo City. Gagawin ang lahat para makaganti sa biktima at pamilya nitong nagsumbong sa BITAG. Hindi nakuntento sa qualified theft na ibinintang sa menor de edad bilang panapat sa kasong pangmamanyak ng gurang na amo.

Nagpakalat ng maling balita hinggil sa pagnanakaw umano ng bata at ang patunay ay ang bagong sofa at cell phone ng biktima. Kundi ba naman mga ugok, ako, si Ben Tulfo, ang nagbigay ng pera sa biktima sa hiling nitong ma­kapag-aral online.

Sinusundan, kinukuhanan ng litrato ang menor de edad na biktima at ipinopost sa social media. At kamakailan lang, ang tatay ng bata ang pinuntirya.

Hindi kayang balikan ang BITAG, hindi kayang gantihan ang biktima kaya ang niresbakan ay ang ama ng bata. Anim na warrant of arrests sa kasong “grave threat” umano ang isinampa ng isa sa mga anak ng suspek. 

Iisa ang kaso, iisa ang nagrereklamo, iisa ang inire­rek­lamo na may P36k piyansa kada warrant. Ang siste, nang hamunin ng BITAG sa ere ang judge na pumirma sa warrant, na ipaliwanag ang kanyang basehan sa pagpirma ng mga warrant of arrests, anim na oras lang ang pagitan at pinalaya ni judge ang pobreng ama.

Nagkamali raw siya at learning experience daw ito sa kanya. Sagot ko, learning experience din na maka-BITAG kami ng isang judge.

Salamat sa tulong ni Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez. Kumilos agad ang kanyang opisina para tawagan ang judge at kuwestiyunin ang kanyang dahilan sa pagpapalabas ng anim na pare-parehong warrant.

Ayon mismo sa national president ng Integrated Bar of the Philippines na si Atty. Domingo Cayosa, malaki ang papel na ginagampanan ng abogado ng nagrereklamo.

Kung nakitang may intensiyon ng panggigipit at pang-aabuso, hindi kinakailangang sampahan ito agad ng kaso. Hindi lamang pagsasampa ng kaso ang trabaho ng isang abogado. Kung ang judge ay humingi ng tawad at tinanggap ang kanyang pagkakamali, kabaliktaran ang ginawa ng bagitong abogado.

Ang BITAG, patuloy na maglalabas ng katotohanan kahit sinong padrino pa ang bumangga, gigibain namin. Sabi nga ng aking kaibigan na si Senior Deputy State Prosecutor Richard Fadullon, kaladkarin sa liwanag ang mga nagtatago sa dilim. 

Iloilo, hindi pa tapos ang BITAG sa inyo. Hangga’t may mga taong nagpapakita ng kanilang kapangyarihan para mang-abuso ng maliliit na tao, ‘di titigil ang BITAG. Magkikita-kita pa tayo.

vuukle comment

THEFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with