_ngayon
^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tripleng pag-iingat ang nararapat

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Tripleng pag-iingat ang nararapat

Ayon sa Octa Research Group, may “commu­nity transmission’’ na sa National Capital Region (NCR). Tumaas na umano ng 25 percent ang kaso sa NCR na dati ay 15 percent lang. Ayon pa sa OCTA, 300 kaso ang nadaragdag bawat araw at nagpapakita lamang ito na mayroon nang community transmission. Kahit pa aniya sabihing wala pang community transmission, dapat i-assume na meron na at gumawa na ng mga kaukulang pag-iingat.

Sabi ng Department of Health (DOH) noong Lunes, wala pang ebidensiya na ang na-detect na 216 kaso ng Delta variant ay bahagi na ng commu­nity transmission. Ganunman, sabi ni DOH Under­secretary Ma. Rosario Vergeire gumagawa na ng hakbang at naghahanda ang pamahalaan sakaling magkaroon ng community transmission.

Muli namang isasailalim ang NCR at mga kalapit na lalawigan sa enhanced community quarantine­ (ECQ mula Agosto 6-20 para mapigilan ang pagkalat ng COVID Delta variant na ayon sa mga eks­perto ay mas mabagsik makahawa. Minuto lamang umano ay nakakapit na ang virus. Ang Delta variant ang nanalasa sa India noong Mayo na marami ang namatay. Sa rami ng namatay, sa open space na sinu­sunog ang mga bangkay.

Ang variant din na ito ang naging dahilan ng surge sa Indonesia na nagdulot din nang maramihang pag­kakasakit at pagkamatay. Umapaw ang mga pasyente sa ospital at nagkaubusan ng suplay ng oxygen doon.

Kahit sa Agosto 6 pa ang lockdown sa NCR plus, ipinatupad na ng DILG ang paglalatag ng checkpoints noong Linggo para maiwasan ang paglabas-masok sa borders. Ito ay para maiwasan ang pag­kalat ng Delta variant. Bukod sa Philippine National Police, inalerto rin ang Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard at Bureau of Fire Protection.

Sana hindi masayang ang mga isasagawang paghihigpit. Siguruhin naman ng mga ospital na handa sila sa Delta variant. Nararapat namang su­munod ang mamamayan sa health protocol para makaiwas sa virus. Kailangan ang tripleng pag-iingat ngayon sa mabagsik na Delta variant.

NCR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with