_ngayon
^

PSN Opinyon

Magpabakuna na!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KUNG ayaw ninyong magpabakuna, huwag kayong lumabas ng inyong mga tahanan!

Ito ang sinabi ni President Digong sa mga matitigas ang ulo na ayaw pang magpabakuna kontra COVID-19. Ayon kay Digong, kung magmamatigas pa rin na huwag magpabakuna, hindi siya mangingiming ipag-utos sa kapulisan na bitbitin ang mga ito para ibalik sa kanilang mga tahanan kapag lumabas.

May katwiran naman si Digong. Nagdadatingan na ngayon ang mga bakuna kaya walang dahilan para hindi magpabakuna. Ngayong kumakalat ang Delta variant, dapat maniguro sa ating kaligtasan at ang tanging pa-nangga rito ay bakuna.

Nagpahayag ang Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim ang ilang lugar sa mahigpit na restrictions matapos matuklasang may mga nahahawahan na ng Delta variant. Inihahanda na ang mga ospital sa tatamaan ng virus. Sa kasalukuyan nakapagtala na ng 216 na kaso ng Delta variant at anim na rito ang namatay.

Sa totoo lang, kahit na nga nabakunahan na ay hindi pa rin nakakasigurong ligtas na. Maaring tamaan pa rin kung mahina ang iyong resitensiya. Tulad na lamang noong nakalipas na SONA ni Digong kung saan 52 pulis ang nagpositibo sa COVID-19. Ang mga pulis ang humarang sa mga militanteng nag-rally sa Commonwealth Avenue malapit sa Batasan.

Nag-aalala ngayon ang mga militante sa kanilang  kalusugan dahil hindi nila sigurado kung nahawahan sila ng mga pulis na nakagitgitan nila sa rally sa Commonwealth.

Sinibak na ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang hepe ng QCPD Police Station 3 dahil doon galing ang 52 pulis na nagpositibo sa COVID.

Kaya payo ko sa lahat, magpabakuna na para makaiwas sa virus. Kapag may bakuna na lahat, puwede nang buksan ang mga establisimento upang magkaroon ng hanapbuhay ang lahat. Hindi na kakayanin ng Duterte administration na ayudahan ang milyun-milyong mamamayan na nagugutom kaya ang tanging paraan dito ay mabakunahan ang lahat para puwede nang lumabas.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with