_ngayon
^

PSN Opinyon

COPex ng Calabarzon PNP, umani ng thumbs up kay Eleazar!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Para itanim sa isipan ng mga matataas na opisyales ng pulisya ang mga Police Operational Procedures (POPs) at iba pang programa ng Philippine National Police (PNP), minabuti ni Calabarzon police director Brig. Gen. Ely Cruz na mag-schooling ang mga ito.

Sa ilalim ng programang tinatawag na Chiefs of Police Examination (COPex), ang142 hepe ng pulisya sa Calabarzon ay magpasailalim sa computerized examination kung saan rerebisahin ang kaalaman nila sa POPs, 8 focused crimes, investigation, intelligence, revised penal code, special laws with emphasis to Sec. 21 of RA 9165, non-disciplinary and disciplinary procedures particularly Napolcom MC 2016-002.

Siyempre ang lahat ng mga ito ay mga basic information na dapat nakatanim sa isipan ng mga COPs para mahusay at epektibo nilang magiyahan ang kanilang mga tauhan sa kanilang trabaho. Ang programa ni Cruz ay kauna-unahan sa hanay ng pulisya kaya umani ito ng thumbs up mula kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar. Dipugaaaaaa!

Sinabi ni Cruz na ang COPex ay isinagawa ng nagdaang linggo kung saan 137 chief of police sa probinsiya ng Cavite, Laguna, Batangas, Quezon at Rizal ang uma-ttend sa virtual examination. May kabuuang 400 tanong na binuo mula R1 hanggang R10 ang ibinato sa mga COPs. Ayon kay Cruz may IT sila na mag-analyze kung pumasa ang isang COP, lalo na sa mga areas o subjects kung saan dapat silang mag-improve.

“Parang refresher course lang ito para hindi makalimutan ng mga COPs ang mga alituntunin ng PNP sa pagpatupad ng batas at maiwasan o huwag sumemplang ang aming trabaho,” ani Cruz. Magagamit din ng mga hepe ng pulisya ang COPex sa pagkuha nila ng PECE at iba pang eligibility exams ng PNP, dagdag pa ni Cruz.

Sa ngayon, wala pang balak si Cruz na gawing batayan ang COPex para alisin sa puwesto ang mga COPs na palaging kulelat sa exams. Maaring sa susunod na panahon ay gagawin na nila ito para walisin sa puwesto ang mga COPs na naupo lang dahil sa padrino system. Hak hak hak! Marami ang malulungkot na COP sa Calabarzon sa sistemang paiiralin na ito ni Cruz. Tiyak ‘yun! Dipugaaaaaa!

Nais ni Cruz na gawing quarterly ang virtual exams para isulong pa ang operational at administrative knowledge ng mga COPs sa kanyang sakop. Kaya sa mga COPs diyan sa Calabarzon, basa-basa rin pag may time. Dipugaaaaa! Abangan!

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with