_ngayon
^

PSN Opinyon

Rapist huli ng mga bataan ni Estomo

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SWAK ang dalawang kamoteng may kasong rape sa Bicol at Sorsogon nang inguso kay Region 5 PNP Director Jonnel Estomo ang pinaglulunggaan ng mga ito.

Ibinida ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO na unang nadakip si alyas Noel Hael y Golloso, contruction worker at taga-Bgy. Bagong Pawik, Magallanes, Sorsogon, na may kasong rape. Sunod na nadakip si alyas Jerome Gonzales y Barcelona, aka Rhon ng Gonzales St., Bgy. 4 Malilipot, Albay na may five counts of qualified rape through sexual assault.

No bail recommended ang dalawa.

Kaya natutuwa ang mga kuwago ng ORA MISMO sa performance ng grupo ni Estomo sa Region 5. Mula nang umupo ito, marami nang mga nagtatagong kriminal ang nahuli at nakakulong sa ngayon.

Congrats, General Estomo, Sir!

* * *

No to 174 Dumaguete

Mukhang papasok ang Dumaguete sa isang Memorandum of Understanding kasama ang isang Quezon City contruction company na may kaugnayan sa isang Chinese company para gumawa ng 174-hectare offshore island na sinasabing higit sa dalawang beses sa laki ng Apo Island.

Sabi nga, ang laki nito.

Ang iminungkahing konsepto, kabilang ang isang arti-pisyal na isla, ay magiging smart city dahil may clubhouse, heliport, yacht club, retirement villa, high-rise commercial and residential buildings, mga mall, echetera, echetera.

Bulong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  P23 billion umano ang estimated cost nito.

Naku ha!

Ang laking pera nito.

Totoo kaya ito? 

Sabi nga, may mga tutol sa napakalaking reclamation project ito. Abangan!

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with