_ngayon
^

PSN Opinyon

Hindi physical na bitbit ni Sara ang Davao City

DURIAN SHAKE - Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon

Hindi ko sinasabing si presidential daughter at Mayor Sara Duterte-Carpio ang pinasaringan ni Manila Mayor Isko Moreno noong sinabi niya nitong huli na may mga mayor diyan na umiikut-ikot na at nakipagkita sa mga pulitiko gayong mas kailangan ang presensiya nila sa kanilang mga localities lalo na sa panahon ng pandemya.

Eh, si Sara lang naman ang umiikot dahil pinapaunlakan niya ang mga imbitasyong makipagkita sa kanya ng mga local officials at may iba ring kinokunsulta niya. So, si Sara talaga ang pinupuntirya ni Isko sa kanyang panayam sa mamamahayag.

Ganito lang yun, hindi naman kailangang nandito si Sara sa Davao City sa lahat nang panahon o beinte kuwatro oras upang epektibo niyang matugunan ang pamamahala sa pinakamalaking siyudad sa buong mundo in terms of land area.

Alam  naman siguro ng lahat na sa pagpatakbo ng iyong local government unit o di kaya’y sariilng kompanya ay kailangang marunong kang mag-delegate ng responsibilities at iba’t ibang tasks upang magpapatuloy ang takbo ng lokal na pamahalaan at makamtan ang kung anong vision, mission at goal nito kahit nasa labas pa ang leader nito.

At hindi physical na bitbit ni Sara ang Davao CIty saan man siyang lupalop pupunta. Hindi naman din bitbit ni Sara ang oxygen, ventilator or maging mga ospital dito upang tugunan agad ang pangangailan sa panahon ng pandemya.

May na-established nang mga committees at teams dito batay sa anong pangangailangan. May medical team, may economic team, vaccination team at kung ano pa man na siyang namamahala habang si Sara ang nasa pinakataas bilang mayor.

Siguro kung ang nagrereklamo at nagmamaktol  ay mga taga-Davao na pinababayaan sila ni Sara  tiyak ibang usapan na iyon. Wala namang nagrereklamo na tagarito eh. ‘Yong taga ibang lugar pa ang nag-criticize.

Ngunit kung ang nagrereklamo ay kapwa pulitiko lang din at hindi pa taga-Davao City, kailangan sigurong suriin uli bakit humantong sa nasabing kritisismo eh wala naman silang pakialam dito sa tinaguriang leading growth center of the South.

May mali nga sa line of thought nitong isa.

ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with