^

PSN Opinyon

QC record high sa vaccination

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Sa kabuuan, nakapagtala na ang bansa ng 4-milyong Pilipino na fully vaccinated laban sa COVID-19. Magandang balita ito at sana, patuloy pang tumaas ang bilang ng mga nababakunahan para matamo na ang kinaka­ila­ngang “herd immunity” na tutuldok sa pandemya.

Nakadepende naman iyan, hindi lang sa pamban­sang pamahalaan kundi sa diskarte ng bawat lokal na pamahalaan para mahikayat pa ang mas maraming mamamayan na magpabakuna. Bagamat tumaas ang bilang ng mga gustong magpabakuna, dapat pa ring mahimok ang ilan na natatakot sa vaccine.

Sa tingin ko naman, moving in the right direction ang ating gobyerno sa vaccination program nito bagaman at may mga aberyang dapat pang tutukan tulad ng ilegal na pagbebenta ng mga bakuna at mga pinekeng vacci­nation certificates.

Sa Quezon City, nakapagtala ang lungsod ng record high na bilang ng mga nabakunahan sa loob lamang ng 1 araw kamakalawa. Ito ay umaabot sa mahigit sa 50,000 bakuna na naiturok sa loob lamang ng 1 araw.

Sinasabing ito na ang pinakamataas na bilang mula nang sinimulan ang vaccination program sa Quezon City. Congrats sa pamunuan ng lungsod sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte.

Bago ang record high na ito, ang pinakamataas na bilang ng mga nabakunahan sa QC ay naitala noong Hunyo 24 na umabot sa bilang na mahigit 43,000. Harinawang ang ganitong trend ay magpatuloy hindi lamang sa QC kundi sa bawat lungsod at munisipalidad sa buong bansa.

Dapat nang mapawi ang agam-agam at takot ng iba sa pagpapabakuna dahil sa mga disinformation na ikina­kalat sa social media.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with